Kabanata 9

61 8 2
                                    

   Naglalakad ako sa mall nung tumunog yun cellphone ko. Kinuha ko eto at nakita yung mukha ni Sean. Nagdalawang isip muna ako bago ko sinagot. Sayang kasi eh if hindi ko sasagutin .Siya na nageffort tumawag eh.

     "Gizelle, nandito na ako sa hotel ko," he informed me. "I'll be meeting with the client later at 8 am. Ikaw nasaan ka ba?"

     "Mall," tipid kong sagot. "Bibili kasi ako ng mga bagong damit."

     "Oh, okay sige. Mag-ingat ka dyan." paalala niya. "I need to go. Dumating na kasi yung driver. Bye, ingat palagi."

   Hindi ko na siya sinagot at pinatay yung tawag. Tinuloy ko yung paglalakad, habang naghahanap ng mga magagandang damit at sapatos. Kailangan ko kasi ito para sa plano ko. And I want my plan to succeed. 

   Nung natapos ako bumili, nakakita ako ng atm machine at naalala si kuya Grant. Kaya lumapit ako dun at nag-withdraw ng 20,000. Tinago ko ito ng mabuti sa pitaka ko, baka kasi may nakakita at ma-hold up pa ako. Dinial ko yung number niya at sinagot niya agad pagkatapos ng dalawang ring.

     "Napatawag po kayo, maam?" tanong ni kuya Grant.

     "Saan ko ba ipapadala ito?" 

     "Ah, sa m lhuiller na lang po maam," sagot niya. "Itetext ko na lang po yung mga dapat niyo isulat sa papel."

     "Okay sige, po," sabi ko sa kanya at ibinaba yung tawag.

   Agad ako naghanap ng napakamalapit na m lhuiller at pumasok agad. Kumuha ako ng form at isinulat ang mga detalye na tinext ni kuya Grant sakin. Pagkatapos nung ay pumunta ako agad sa counter at ibinigay yung pera. Bumayad din ako ng 260 kasi may service fee pala dito. Pagkatapos ng lahat, itinext ko kaya kuya ang reference number na nasa papel na hinahawakan ko. Nagreply agad sya kaya tinago ko na lang yung phone ko. Sana gumana yung plano. Gusto ko na talagang mawala sa kanila. 

~

   Naging mapayapa naman naging bahay ko sa mga dumaang araw. Handa na ang lahat para sa plano ko. Hinihintay na lang ni kuya Grant yung go signal ko para magawa na niya ito. Nagdadalawang isip pa kasi ako kung itutuloy ko o hindi. Hindi naman ako ang-aalala sa pera na binayad ko sa kanya kasi if ever di ko itutuloy, charity work ko na lang para mapunta ako sa langit. Sa mga dumaang araw, palaging tumatawag si Sean dito. Palagi niya tinatanong kung maayos ba ako, kung kumain na, if nakatulog ng maayos at kung anu-ano pa. Oo, alam kong nagiging mabait na naman siya pero hindi ko na sineseryoso masyado at baka masaktan lang ako sa huli. Alam ko namang gusto niyang safe ako.

   Nakaupo lang ako sa sofa namin sa sala nang narinig kong bumukas ang pintuan. Akala ko lang sila manang ang pumasok pero sila ate at kuya pala. Nilapag nila yung harbour city na take out na dala nila at umupo sa tabi ko.

     "Ate, namiss kita," sabi ko habang niyayakap siya. Tumingin naman ako kay kuya. Pero imbes na yakapin ko siya, kinurot ko lang yung magkabilang pisngi niya. "Kuya Myrick!!!! Miss na miss na miss ko yung pisngi mo."

     "Aray naman bunso," angal ni kuya at tinanggal yung mga kamay ko sa pagkakakurot sa pisngni niya. "Hindi na nga ako magpapakita sayo at baka uminat yung mga pisngi ko."

     "Eh sa namiss ko yan eh. Dali na kasi kuya. Pakurot ulit." Pero lumayo lang siya sakin. Tumawa na lang kami dalawa ni ate at tumingin siya ng masama samin. "Bakit naman kayo napabisita ng biglaan?"

     "Eh kasi baka ang loner mo dito sa bahay kaya naisipan naming mag-overnight," sagot ni ate habang tinatanggal yung plastic container mula sa plastic. "At syempre naman, yung binili namin is yung favorite mo, dimsum."

     "Yehey!" masayang sabi ko. "Thank you talaga ate. Namiss ko talaga yan."

     "Wow, si ate lang may thank you," reklamo ni kuya. Pero hindi ko siya pinansin para mapikon siya. Pikunin kasi si kuya Myrick kaya siya palagi napapagtripan namin ni ate. "Ako kaya nag-order niyan. Pero nga lang ni ate ang binayad. "

Regrets are Always at the EndWhere stories live. Discover now