Kabanata 44

38 5 2
                                    

Sean's POV

"Sandy, I'll be taking you out on a date as soon as I return from Manila, okay?" sabi ko ulit sa kanya. This is the 20th time I told her this. "May emergency kasi and I need to be there ASAP."

"Okay fine. Bahala ka," sabi niya sa'kin at pinatayan ako ng tawag.

Seriously? She's being so childish! Inis kong nilagay phone ko sa shotgun seat. Minasahe ko yung ulo ko kasi naiinis na naman ako sa kanya. Can't she understand na busy ako kaya hindi ko siya madadala sa date?

It was already 8 in the evening and I was on my way to Gizelle's condo. Sabi kasi ni Judalyn that Gizelle will arrive soon. Pagkapark ko sa aking sasakyan, nilapitan ko kaagad yung spy na sinasabi ni Juds. He gave me the key at nagpasalamat ako. Pumasok na ako agad and the guard was no where to be found. Hindi mahigpit yung security dito. What if may magnanakaw na pumasok? Tss.

Pagkarating ko sa unit niya, I left the bouquet na iorder ko sa harap mismo ng pinto. Pagpasok ko sa unit ni Gizelle, I suddenly felt the urge to just hug her. Everything in her unit makes me miss her. It really represent my wife. From the walls, the ceilings, the furnitures, everything. Umupo ako sa sofa at nagpahinga. Gizelle will have the best surprise of her life tonight.

I heard the door knob turn kaya alam kong nandito na siya. As soon as it opened, I was expecting it to be Gizelle. Pero ibang babae ang pumasok. As soon as she saw me, napatigil siya sa kanyang paglakad. Tilang nafrozen siya. May isang babaeng pumasok and I knew it was Gizelle. Napatingin siya sa kanyang kasama.

"Beshie okay ka lang ba? Parang nakakita ka ng multo eh," sabi ni Gizelle sa kanya.

Tinuro ako ng kaibigan niya which made Gizelle look at my direction. Her eyes grew wide at nafrozen din siya sa kung saan siya nakatayo. Tumayo ako at pinasok yung dalawa kong kamay sa bulsa ng maong ko.

"Miss me, Gizelle?" tanong ko sa kanya. "Ai sorrt. Mali pala. It should be, miss me, Michelle?"

Biglang sumigaw yung kasama niyang babae ng sobrang lakas. Napatakip ako sa kanan kong tenga dahil sa lakas. Pagkatapos niyang sumigaw ay tumakbo siya papunta sa'kin. Kinurot niya yung braso ko, yung pisngi, pati tiyan.

"OMG, you're real! Ikaw nga talaga si Sean," sabi ng babae. "I'm Princess, best friend ni Michelle."

"Nice meeting you, Princess," sabi ko sa kanya.

"Don't worry, fan ako ng Seazelle. Mas bagay kayo eh," dagdag pa niya.

Tumango lang ako. Tumakbo siya papunta kay Gizelle at hinila siya papunta sa'kin.

"Iwan ko muna kayo dyan. Magbibihis lang ako," sabi niya. "Michelle, huwag mong palayasin toh. Or else babatukan kita."

Umalis na nga si Princess at pumasok sa isang kwarto. Nakatingin lang ako ni Gizelle and she did the same.

"Magsstaring game na lang ba tayo dito?" biro ko sa kanya. Umupo ako sa sofa and tapped the space beside me. "Dito ka na sa tabi ko."

"Paano mo ako nahanap?" tanong niya sa'kin.

"Is that how you greet your husband, Michelle?" tanong ko sa kanya. "Wala man lang bang kiss or hug? Namiss kita eh."

"Sean, paano mo ako nahanap?" tanong niya ulit sa'kin.

"I didn't look for you. Sadyang nasa side ko ang tadhana kaya may isang mabait na nilalang ang nagsabi kung saan ka nakatira at kung sino ka," sagot ko sa kanya.

Regrets are Always at the EndWhere stories live. Discover now