Kabanata 39

31 6 1
                                    

Sean's POV

It's been three days since nagdate kami ni Sandy sa Larsian. And I must say we're getting closer. We're getting to know each other more deeper. Nagsisisi ako kasi hinusgahan ko agad siya, eh hindi ko pa naman siya ganun ka kilala. Now that I know her more than before, I can say na pwede akong mahulog sa kanya.

I was on my way to fetch Sandy mula sa kanila. We're going to have a site visit, not a date. Akala niyo date, ano? Pero sige okay lang. I might ask her out after the visit. Dun kami sa Korean restaurant na binanggit ko sa kanya noon. Pagkarating ko sa kanila ay naghihintay na si Sandy sa labas ng gate nila. Agad siyang sumakay at binati ako.

"Good afternoon, Sean," bati niya, with a bright smile on her face.

"Good afternoon din, Sands," bati ko rin sa kanya.

Umalis na kami kaagad para naman maaga kami makarating sa site. Medyo malayo kasi siya at baka traffic pa. After 30 minutes, nakarating na kami sa site. Bumaba na kami at dumiretso sa CE na nakaassign sa project na ito.

"It's nice to see a lot of improvements from my last visit," sabi ni Sandy kay Engineer Mei.

"That's good to hear, Ms. Enriquez," wika ni engineer.

Iniwan ko muna sila at nilibot yung buong site para masusi ito. Nasunod naman nila lahat ng nasa design ko, it's very impressive. First time ko kasi na makipagtrabaho with Engineer Mei. She's also a new recruit sa firm namin. Nung nakabalik na ako sa kanila, may kausap si Sandy sa phone. Nilapitan ko siya, with no intention of listening to their conversation. Pero sadyang malakas ang boses niya kaya narinig ko.

"Ate, I'm working on it," sabi niya sa kausap niya. "Yes, I'll tell you ASAP if successful ba. Yes ate. Please trust me on this. Sige, mag-iingat ka rin. Bye."

"May ate ka pala?" tanong ko sa kanya which made her jump in surprise. Nilingon niya ako, hinahabol yung hininga niya. "I didn't mean to listen pero narinig ko kasi."

"She's my cousin. Nasa Manila kasi siya ngayon and she's asking about the project," paliwanag ni Sandy sa'kin.

I didn't ask any further questions because I didn't want to doubt her. Nagpaalam na kami nila Engineer Mei at sumakay na sa sasakyan. I buckled my seatbelt at nagdrive na papunta sa Korean restaurant.

"Saan tayo pupunta?" she asked me.

"Oh, my bad. Sorry di ko nasabi sa'yo," paumanhin ko sa kanya. "Iinvite sana kita to eat dinner with me sa Korean restaurant na sinabi ko sa'yo the other day."

"Really? Ang sama mo. Hindi tuloy ako nakapaghanda," sabi niya tapos nagpout.

"Kahit ano suotin mo, you look fab," batid ko sa kanya.

Nakita kong namula yung pisngi niya which made me chuckle. Sandy's reactions are cute, and they make my heart flutter a little bit. Pagkarating namin sa Korean restaurant na iyon ay agad na kaming nag-order. Hindi kasi ako kumain ng lunch para dito. Eat all you can kasi ang restaurant na ito and it's very affordable.

"Kailan mo nadiscover ang korean restaurant na to?" tanong sa'kin ni Sandy. "Ang affordable kasi. I'll bring my friends here next time."

"College pa ako nun when I discovered this. Naglalakad lang kasi kami ng tropa ko when we saw this," kwento ko sa kanya. "Kaya pumasok kami para tingnan. Ayun, napakain kami kasi nakaya pa sa allowance namin."

"Friends pa rin kayo ng college barkada mo?"

"Oo naman. Kahit na iba iba yung profession na kinuha namin, we still hang out sometimes," sagot ko sa kanya.

Regrets are Always at the EndWhere stories live. Discover now