Kabanata 19

46 8 0
                                    

Michelle's POV

"Mr. Bernardo, pinatawag niyo daw ho ako," sabi ko kay Mr. Bernardo as soon as I opened his office door. "May problema po ba?"

"Oh, Ms. Alcano. No there are no problems, so don't you worry," sagot ni Mr. Bernardo sa'kin. "Please, sit down. Medyo marami rami ang pag-uusapan natin."

Umupo ako sa silyang nasa harap ng lamesa niya. Sobrang gulo neto, ang daming mga papel nakakalat. Halos hindi ko na makita na lamesa pa ang nasa harap niya. Inayos niya yung suit niya at ngumiti sa'kin.

"Pinatawag kita kasi may good news at bad news ako para sa'yo," pagsimula ni Mr. Bernardo sa'kin. Napataas ako ng kilay sa sinabi niya. "Ano gusto mong unahin? Good or bad?"

"Good na lang po," sagot ko.

"Okay sige. Pinuntahan ako dito ng CEO dahil gusto niyang ipasabi sa'yo that he's very impressed with your designs and napaka positive daw ng feedback ng mga naging client mo. And he has decided to raise your salary. He also apologizes for not telling you personally. Alam mo naman, busy eh,"

"Nako po, maraming salamat. Sana mapasalamatan ko siya ng personal," galak na sabi ko. "Eh ano naman po yung bad news?"

"Ayun na nga. Dahil impressed siya sa trabaho mo, he has decided to transfer you to another group," sagot ni Mr. Bernardo. Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Eh kasi naman kakasimula ko pa lang maging malapit sa mga teammates ko, tapos ililipat na agad ako.

"Po? Eh sir, kakasimula ko lang po maging close sa mga ka teammates ko," pagpaliwanag ko sa kanya. "Kailanga po ba talagang lumipat?"

"Don't worry, Michelle. Hindi naman forever yung paglipat mo," sabi ni Mr. Bernardo. I exhaled in ease sa sinabi niya. "Babalik ka rin sa grupo once matapos niyo ng anak ng CEO yung project.

"Ah oh-," bigla akong napatigil sa sinabi ko dahil nagulat ako. Seryoso ba ang CEO? Talagang yung anak niya magiging katrabaho ko? "Yung anak po ng CEO? Sir, kinakabahan po ako. Baka hindi kami magkasundo at matanggal pa ako."

"What non sense are you saying Michelle?" tanong niya sa'kin sabay tawa. "Siyempre hindi ka matatanggal. Impressed nga yung CEO sa'yo diba? He just wants the both of you to work on this project. Engineer kasi yung anak niya and the client is a huge hit. Kailanga maimpress yung client para malamangan na ng MID ang mga Montemayors."

Natigilan ako nung nabanggit niya ang mga Montemayors. Ang daming paano kung ang tumatakbo sa isipan ko. Paano kung malaman nilang buhay pa ako? Paano kung malaman ng MID na ibang tao talaga ako? Paano kung malaman nila mama, edi patay ako. Lalo akong kinabahan sa mga pangyayari. Lord, huwag naman po ganito. Alam kong mali ginawa ko pero huwag naman po ganito.

"Ms. Alcano, are you still with me?" nabalik ako sa realidad nung tinawag ako ni Mr. Bernardo. Tumango lang ako kasi wala pa rin ako sa tamang pag-iisip. "Wala ka na bang question? Suggestions? Violent reaction?"

"Paano po kung hindi namin ma impress yung client?" tanong ko sa kanya. Bahadya siyang tumawa at tiningnan ako ng deretso sa mata.

"We all believe na mapapa-pirma mo ng kontrata sila Mr. Gokongwei," confident na sagot ni Mr. Bernardo. Mas lumaki yung mata ko nung sinabi niya kung sino yung big time client.

"PO? Si Mr. Gokongwei? May-ari ng Robinsons?!" gulat na gulat kong tanong.

"Yes, Ms. Alcano," sagot niya. Mas lalo akong kinabahan. Waahhh kaya ko ba ito? Big time client pala talaga. "Kung wala ka ng ibang tanong Mich, you may go."

Tumango lang ako at dahan dahang lumabas ng opisina niya. I was in shock. Wala pa sa tamang pag-iisip utak ko. It was too much! Grabeh, hindi ko kinaya yung news na binigay ng Mr. Bernardo sa'kin. Naglalakad ako patungo sa elevator ng parang isang zombie. Hindi pa kasi talaga sumisink in sa brain cells ko.

Nagpatuloy lang ako sa paglakad nung napansin kong bukas na pala yung elevator. Tumakbo ako para umabot. The doors were closing, and buti na lang nakapasok ako. But the bad thing is, may nabunggo ako sa loob nito. Nasa sahig kaming dalawa. Nakaposisyon ako sa gitna ng mga binti niya, habang yung kamay ko nasa dibdib niya.

"Look who's clumsy," sabi nito. Natigilan ako kasi sobrang pamilyar yung boses. Dahan dahan kong inangat yung ulo ko at nakita yung lalaking bumunggo sa'kin sakina. "Parang quits na tayo, miss ah."

"Hala, sorry po talaga. I was running para makaabot po sa elevator eh," explain ko sa kanya.

"Hey, it's okay. Hindi ako galit. Nagulat lang," sabi niya sa'kin sabay ngiti. Sheeet ang ngiti mga guyyys. Parang kay Bo Gum myloves yung ngiti eh. "Umm, miss? Pwede na ba tayong tumayo? Baka matunaw ako sa mga titig mo."

Dali-dali akong tumayo at inayos yung damit ko. Gwapo nga pero ang hambog naman. Eh hindi naman siya ganun ka gwapo eh (sorry na, I'm lying gois). Hindi ko magawang tumingin sa kanya.

"Looks like destiny na yung pagkikita natin, miss," sabi niya mula sa likod ko. Pero hindi ako umimik at stood still.

Hinihintay kong huminto yung elevator sa floor ko. Pagka-hinto nito, agad-agad akong lumabas at hindi tumingin sa kanya. Alam kong nakatingin pa siya sakin pero hindi ko na pinansin yun at tumungo sa lamesa ko. I facepalmed myself at ginulo buhok ko. Bakit ba kasi ang clumsy clumsy mo Grizelle!! Ai Michelle pala.

"Mich, sabay na tayo maglunch," bulong ni Jamie, yung friend ko dito sa team ko. Tumingin ako sa kanya. "Manglilibre daw si Mike kasi birthday niya."

"Talaga?" tumayo ako agad at kinuha yung pouch ko where my phone and other necessities are kept. "Saan ka ba manglilibre, Mike?"

"Sa TGIF, Mich. Sabay sweldo yung birthday ko eh,"sagot niya sakin at kinuha yung jacket niya. "Kayong tatlo lang ni Fred ililibre ko. Since kayo lang tatlo close ko dito eh. Bibilhan na lang natin ng pizza yung iba."

Tumangi-tango ako, kasi sa totoo lang, wala pa ako sa tamang pag-iisip. Nasa nangyari kanina pa rin yung utak ko. Kinablit ako ni Jamie at hinila papunta sa pintuan. Sana hindi ko na siya makita kailan man. Kasi kung makikita ko pa siya, end of the world na para sakin. Goodbye, self confidence.

~ ~ ~ ~

A/N: Hellooooo!! Sorry sa super duper late update. Medyo naging busy ako sa bagong grupo na sinalihan ko eh. Anyways, sana maenjoy niyo yung update na ito. Sorry din if super short lang. Author's block ako eh. Pero don't worry. Mas hahaba na yung mga updates ko from now on. Please do enjoy!

Please don't forget to COMMENT, VOTE, and FOLLOW me for more updates! Thank you, love lots 💕💕

- Ikish 🦄

Regrets are Always at the EndWhere stories live. Discover now