Kabanata 42

41 5 6
                                    

"Sam, okay na ba lahat ng mga gamit mo?" tanong ni Philip sa'kin. "Ipapakuha ko na yan sa janitor if okay na."

"Yes, sal. Okay na lahat," sagot ko sa kanya.

Ngayon kasi ang araw na babalik na kami sa aming mga work stations. Ayaw sana ni Philip na bumalik kami, pero sabi ni tito, unfair daw yun sa ibang empleyado if makakatanggap kami ng special treatment. Kinuha na ng janitor yung mga gamit ko.

"Ready, sam?" tanong ni Philip sa'kin. "Magdadate pa rin tayo after work ha? Baka makalimutan mo ako eh."

"Ano ka ba, sal? Work stations lang nagbago satin. Yung relasyon natin, as is pa rin," I assured him. "Kaya huwag ka na magdrama, okay?"

Tumango lang siya at naglakad na kami papasok sa elevator. When I reached my floor, talagang hinatid pa niya ako sa work station ko. Pagpasok ko pa lang, nagulat ako kasi may pumutok bigla. Pagmulat ko sa aking mga mata, confetti lang pala na pinasabog.

     "Welcome back, Architect Michelle Jane Alcano!" sigaw ng mga ka workmates ko.

   Naiyak ako bigla sa surprise na hinanda talaga nila samin. Tumakbo sa'kin sila Jamie, Mark, and Fred at niyakap ako. Niyakap ko rin sila ng sobrang higpit. How I missed them so much.

     "Miss na miss ka na namin, Mich," sabi ni Jamie. "I'm happy you're back! We pala."

     "Ako din, miss na miss ko na kayo,"

   Napatigil kami sa paggroup hug when Philip cleared his throat. Tiningnan ko siya and his face wasn't happy. What's wrong? I mouthed.

     "I'll get going now, Michelle," sabi niya at diniinan yung pangalan ko.

Nagtaka ako sa biglang pagbago ng pakikitungo niya sa'kin. Was he jealous of my friends? Or nagtatampo siya kasi di ko siya pinakilala sa mga kaibigan ko? Aalis na sana siya when I pulled his hand.

"Guys, meet Engineer Philip Jace dela Cruz, yung partner ko sa mga big projects ng MID," pakilala ko sa kanila. Tiningnan ko siya sa mata as I said, "And my boyfriend for almost a year now."

Nagtilian yung mga workmates ko. I looked at Philip and he was staring at me, with a smile on his face. Niyakap ko siya ng sobrang higpit. He did the same. Napatigil na lang ako when he suddenly touched his face, whincing in pain.

"What's wrong, sal? Toothache ba?"tanong ko sa kanya. I was worried. Pero umiling lang siya and touched his head and stomach. "Eh ano? Headache? Stomachache? Back ache?"

"I've got all the aches in the world, sam. Pero yung pinakagusto ko na ache?" he asked. There was a huge question mark on my face. "Ache-kaw."

Nagtilian ulit yung mga workmates ko. Yung iba, nahiyawan na. I felt my cheeks become hot sa banat niya. When I came back to my senses, sinuntok ko yung braso niya.

"Banat ka ng banat eh. Tumigil ka na nga," sabi ko sa kanya. "Palagi mo na lang ako iniiwan na speechless. Nakakainis na."

"Ganun talaga yun, sam. Mahal kita eh," he said to me and kissed my head. "Alis na talaga ako. Baka hinahanap na ako sa baba eh."

Nagpaalam na siya sa mga workmates ko at umalis na ng office. Pagtingin ko nila Jamie, Mark, and Fred, silang lahat ay nakatitig lang sa'kin. I gave them the "what?" look.

"Bakit hindi namin nalaman na anak pala siya ng CEO?" tanong sa'kin ni Jamie.

"Nawala kasi sa isip ko. Alam mo naman diba, na nagmamadali kayo nun," sabi ko kay Jamie.

Tumango lang si Mark and Fred. Naglakad na sila papunta sa kanilang mga lamesa habang hinila naman ako ni Jamie papunta sa office ko. Pinaupo niya ako sa swivel chair ko.

"Mich, may ikwekwento ako sa'yo," sabi niya sa'kin. Tilang may takot sa kanyang mga mukha. "Ayaw ko sana sabihin sa'yo ito pero kailangan mo rin malaman."

"Ano ba kasi yun, Jams?" tanong ko sa kanya.

"Eh kasi nung Saturday night, diba ininvite kita na magclubbing? Pero nagdecline ka kasi dadamayan mo si Cess?" tanong nya sa'kin kaya tumango ako. "Eh pumunta kami doon sa club kung saan tayo palaging nagcluclub. Ang saya saya namin nun kasi maraming tao. Parang may nagpaparty or whatsoever. Dun, nakita ko siya,"

"Sino?"

"Si Philip. May kasayaw na ibang babae. Naghalikan din sila sa gitna ng dance floor," she said.

"Saturday? But he had a family activity that time," sabi ko sa kanya. "Sigurado ka bang si Philip talaga yun?"

"Yun na nga. I'm not sure pero it really looks like him," she insisted. "Eh kasi kanina nung nagside view siya, dun ko nakompirma. But I'm still not sure."

"Huwag na natin yun isipin, Jamie. I know Philip won't cheat on me," sabi ko sa kanya. "Order na lang tayo ng pizza para sa team. Mas makakabusog pa yun."

Tumawa lang siya at agad tinawagan ang tindahan. Inayos ko muna mga gamit ko, pero yung sinabi ni Jamie ay nasa isip ko pa rin. I don't wanna doubt Philip. Pero to see is to believe, yan ang motto ko. Sana lang hindi ka talaga nangangaliwa, sal. Because I won't have any second thoughts on leaving you.


Sean's POV

"Sir, nandito na po ako sa labas ng arrival naghihintay," sabi ni Samuel sa'kin as soon as I got my luggages.

Nauna na akong umuwi sa Pilipinas. Mamayang hapon pa kasi dapat talaga kami naka-schedule na umuwi but I took an earlier flight. As soon as I saw Samuel, naglakad na ako papunta sa kung saan siya nakapark. He helped me with my luggages. Dumiretso na akong sumakay sa passenger seat.

"Tumawag po si Atty. Santos sa'kin. Sinabi po niya na gusto ka niyang makausap," Samuel informed me. "Sasabihin na po daw niya kung saan nakatira si Ms. Gizelle sa Manila."

"Manila. That's why we couldn't find her in Cebu because she's not in Cebu," sabi ko. "You did a good job, Samuel. Kahit na tinigil ko na yung paghahanap kay Gizelle. Salamat."

"Actually, sir, tinigil ko na po talaga yung paghahanap. Pero nung araw na tumawag ako sa'yo, yun din yung araw na tumawag si Atty. Santos sa'kin," paliwanag niya. "Sinabi niya na naging kliyente niya si miss Gizelle at nagpalit na siya ng pangalan."

"I see," tipid kong sagot.

Pagkarating namin sa opisina ni atty. Santos, agad akong pinapasok ng sekretarya niya sa kanyang opisina. Nakatalikod si attorney nung umupo ako sa upuan na nasa harap ng lamesa niya.

"It's nice to see you again, Sean," sabi nito sa'kin. Nung lumingon na siya sa'kin, nagulat ako. It was Judalyn, my best friend since high school. "Ilang taon na ba ang lumipas?"

"Seven, Juds. Wow, I didn't see this coming," sabi ko sa kanya.

"It feels like ten na kasi. So, you're here because you're wife left you?" asar na tanong niya sa'kin.

"She didn't leave me, nagbakasyon lang siya," sagot ko sa kanya. "Because she'll be with me again, tomorrow."

"Just make sure, Sean," sabi niya sa'kin at may iniabot na papel. "That's her address in Manila. Sabi ng spy ko, she'll be attending a wedding tomorrow afternoon. So pumasok ka na lang sa unit niya."

"Wala akong susi, Juds. Paano ako makakapasok?"

"My spy will be there to give it to you," paliwanag ni Judalyn. "I know what I'm doing here is wrong, Sean. But then, maswerte ka aksi best friend mo ako. Now, go and get your girl."

Ngumiti ako sa kanya at umalis na ng opisina niya. Agad ako sumakay sa sasakyan ni Samuel at nagpahatid na sa bahay ko. You'll be mine again, Gizelle. Konting hintay na lang. We'll be together again in no time.


~ ~ ~ ~ ~


Please don't forget to VOTE, COMMENT, and FOLLOW for more updates of the story. Thank you! Love lots, XOXO

- Shang

Regrets are Always at the EndМесто, где живут истории. Откройте их для себя