Kabataang Kinain

19.8K 286 61
                                    


Oppo, Samsung, iPhone ang bida.
keypad na Nokia? poorkid ka
Selfie dito, selfie doon
Lahat ng tao nasa gadget ang atensyon

"sino sali gc?"
"mag-uunfriend na ko ng di active mga bessy"
"comment down sa mga di ko pa napansin"
"floodlikes kita , basta ako din"

tila facebook ay nagiging porn site na
change dp na naka panty at bra

mga kabataan, kinain na ng sistema
fb likes ang basehan kung gaano ka kaganda

meron nga eh wala ng suot,
makakuha lang ng likes na sunod-sunod

"hi ex, ako nga pala yung sinayang mo"
oo tama, sayang ka. sayang ka dahil nagpakain ka sa sistema.

kinse, katorse, trese anyos lang si ineng at dodong.
"h4ppy m0tm0t bheybie c0eh mahal na mahal kita, staystrong."

micro? microphone, microwave, microsoft,  microorganism.
meron pang Micro Sim
pero sa kabataan, micro ay iba na ang meaning

"may lalaki pa bang seryoso?"
"may babae pa bang v*rgin?"
"wala ng lalandi dito -gf hirr"
"kada chat, block agad."
"i may not be ur first, but i want to be your last"

mga linyang paulit-ulit na pinopost
nakakainis din makita ang mga "emoji warriors"
"ang qtqt koh po! 😊😍👌💕💋😘💦💦"

hayyy mundong ibabaw...

kung sa tulang ito ay matamaan ka,
malamang ay sakin mainis ka
pero ang nais ko lang naman ay mamulat tayo
katulad mo, bata lang din ako

isang batang nasasaksihan ang kaganapan sa social media
kung saan madaming tao ang mapanghusga

maaring nahusgahan kita kaya paumanhin
naguguluhan lang ako sa takbo ng mundo natin

hindi na ito normal
madaming isip bata na feeling matanda
at madaming matanda na feeling bata
omega, caterpillar, wala na..

bahay kubo, my pochi one, tagu-taguan
piko, patintero, langit lupa, taya-tayaan
sili-sili maanghang ay tuluyan na ring kinalimutan

kung patuloy na lalasunin ang isip ng kabataan,
ano na ang mangyayari sa hinaharap?

at sa susunod na henerasyon naman kaya?
sa paanong paraan na palalakihin ang mga bata?

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon