Tagu-taguan,
Maliwanag ang buwan,
Wala sa likod,
Wala sa harap,
Pagbilang ko ng sampu,
Nakatago na kayo,
Isa dalawa,
Tayo'y magtatago na,
Tatlo apat,
Ako'y magtatapat,
Lima anim,
Ako'y biglang aamin,
Pito walo,
Lahat magbabago,
Siyam sampu,
Ikaw at ako ay malabong maging tayo,
Laro tayo,
Ang unang mahulog ay talo,
Laro tayo,
Hahabulin kita,hahabulin mo ako,
Mangangako ka pero mapapako,
Iiyak ako pero walang luhang tutulo,
Aalis ka papalayo,
Pero heto ako pilit paring nakatayo,
Nakatayo kung saan mo ako iniwan,
Iniwan sa ating tagpuan na ako'y luhaan,
Luhaang mata na pilit ka paring pinagmamasdan,
Pinagmamasdang papalayo ka sa aking kinatatayuan,
Hindi mo manlang sinabi na tapos na ang ating laro,
Akala ko lahat ng ito ay puro lang biro,
Ngunit ito pala ay may katotohanan,
Katotohanang hindi kayang panindigan,
Ito na pala ang huli nating maliligayang araw,
Kung saan sabay tayong manunuod ng paglubog ng araw,
Kung saan sabay tayong aakyat sa parola upang tumanaw,
Tumanaw ng mga bituing nahuhulog mula sa kalangitan,
Tapos na ang ating laro,
Laro kung saan ako natalo,
Akalain mo ako'y naniwala na ito ay totoo,
Ngunit ito lang pala ay isang laro,
Larong binigyan ako ng kasiyahan,
Larong kaylanman hindi ko malilimutan,
Larong mismong ako'y sinaktan,
Larong binalik ako sa aking kamusmusan,
Kamusmusang hindi pa alam kung anu ba ang kahulugan ng aking nararamdaman,
Nararamdamang sakit na pilit kong tinatakasan,
Ngunit hanggang kaylan?,
Hanggang kaylan ako aalis sa alaalang ating sinimulan,
Ngunit ngayon ito'y natapos na,
Natapos na sa salitang mismong sumira sa ating dalawa,
Dalawa na ngayon ay iisa,
Iisa na lang ako dahil wala kana,
Ngayon mag-isa na lang akong maglalaro,
Mag-isang tatakbo,
Yung madadapa ako pero wala ng magtatayo,
Magtatayo kung saan ako nadapa at napaupo,
Salamat sayo aking kalaro,
Sana muli tayong magtagpo,
Sana muling mabuo ang nasirang tayo,
Tayo na muling bubuo,
Bubuo ng masasayang alaala,
Alaalang hindi na magiging laro pa,
Alaalang ating babalik-balikan,
Babalik-balikan sa tagpuan kung saan nabuo ang salitang walang hangganan,Ni April Joy Santidad

BINABASA MO ANG
Spoken Poetry
Poetry#SPOKENPOETRY Dear You, One day, all of the people you treasure the most will leave. But there is one thing that will never go, and you will never forget-poetry. A soul of yourself and a home of your emotions. People come and go, but th...