Ano nga ba ang salitang,Tanga?

6.1K 69 6
                                    

Sa bawat pag-ikot ng mundong ito
At pag-ikot din ng buhay ko sayo.
Sariwa pa saakin ang ikaw at ako.
At ang mga ala-alang binuo nating dalawa.

Isang samahan na nagsimula sa
malagkit na tinginan.
Walang salitang naririnig bagkus
may kakaibang nararamdaman.
Samahan na naudlot sa pag-iibigan.

Sabay naming tinahak ang daan
ng pagmamahalan.
Hindi ako sigurado sa aking paghakbang
kung ito ba’y mag-reresulta ng magandang kapalaran.
Hangga't sa nalaman ko nalang
na ako'y masaya sa aming patutunguhan.

Nagtiwala ako sa kanya at sa tingin ko
gayon din sya.
Nangako sa isa't-isa na walang iwanan.
At pilit ipapaintindi sa mga tao na
"FOREVER"ay kayang panindigan.

Ganon ba talaga kapag nagmamahal?
Na kahit anong pagsubok dapat
walang iwanan.
Na parang tsinelas na sa bawat pag-apak
hindi sapat na nag-iisa ka lang.

Nagmistulang dragon ang aking
pagkatao,binigay ko na ang lahat
ng aking maibubuga.
Kahit ayaw ko gugustuhin ko nalang
para masilayan na sya'y masaya.
Inidolo ang ang mga koriyanong gustong-
gusto niya.
Pinag-aralan ang mga banat na sa tingin KO
ang baduy-baduy naman talaga.

Ngunit isang bagay ang aking nalaman,na
meron pala syang iba.
Ewan ko kung totoo ba ang lahat ng yon.
Pilit ko pinapakita at pinaparamdam na ang
tsinelas na nagdugtong saamin ay may buhay pa.
At isinasaksak sa isip ko na "Wala lang to di ba?"

Hindi ko alam kung ba't binigyan ko sya
ng isa pang pagkakataon.
Basta ang alam ko naging parte sya
ng aking masasayang ala-ala.
Pilit binalik ang dating ikaw at ako...
pero tiwala, mahirap na.
At sa kabila nito muling tinahak
any landas naming dalawa.

Tinahak ang landas na sa tingin ko'y
mabubuo pa.
Tinahak ang landas na sinasabi
sa sailing ikaw at ako pa.
Tinnahak ang landas na alam
kong kasama ka.
At nagulat na mag-isa lang pala akong
tumatahak ng landas naming dalawa.

Ano ba ang Mali?
Binigyan ko naman sya ng isa pang
pagkakataon para patunayang nagsisi sya.
Pero ano, tinapon nya lang na parang
basura sa basurahan.

Tinapon nya ang pagkakataong pwedeng
muli ibalik ang nakaraan.
Tinapon nya ang importasyang
aking pinaramdam.
Tinapon nya ang salitang "mahal kita" na
mula as taong baliw sa kanya.
Tinapon nya ang tsinelas na hindi
iniisip ang kapares nito ay nag-iisa.

Akala nya siguro ganon lang yon.
Tatapusin sa isang text na
"Pssst.  break na tayong dalawa"at
nakakagulat pa ay may XOXO pang kasama.

Kaya  ngayon heto ako nag-iisa.
Heto ang tsinelas na iniwan mong mag-isa.
Heto sya pilit binabaybay ang daan.
Habang nilalabanan ang pighati't kasawian.

Alam mo itong tsinelas na naghahabol
sayo nauntog sa mga panahong iniwan mo.
Nauntog at ngayo'y gising na.
Gising na sa isang bangungot na ayaw na
muling  maranasan kasabay nang paghilom
ng sugat ng nakaraan.

At ngayon siguro alam ko na ang
tamang tanong,Hindi yung ...
Ano nga ba ang salitang TANGA?
Kundi sino,Sino ang nagmukhang tanga?
Malamang ako at hindi sya.

Spoken PoetryWhere stories live. Discover now