Si Nancy, Ang Bagong Laman Ng Puso Ko

1.3K 10 0
                                    

Nang dahil sa Bboom Bboom
Pusong wasak, biglang naghilom
Ni wala man lang gamot na iniinom
Pampawala rin ng antok at gutom.

Nancy ng Momoland hulog ka ng langit,
Una pa lang nakita agad nang naakit,
Nang nakilala ka nawala lahat ng pangit,
Pinalitan ng saya ang hapdi at sakit.

Dati ako'y natatawa
pag ang mga kpop fan ay nagwawala,
Pero ngayon naiintindihan ko na sila,
Kapag napapasigaw ng, "Ako ang asawa nya!"

"Hoy Nancy, Asawa na kita!"
Hindi ka pwedeng kumontra,
Papakasalan na nga kita,
Pag pumunta ako dyan sa South Korea.

Kaso hanggang pantasya na nga lang ba?
Dahil ako'y poor kid lamang na tagasuporta,
Kung sakaling mag-concert ka sa MOA Arena
Baka hindi rin naman kita makita.

Gayunpaman, hindi magbabago,
Ikaw ang tanging KPOP na iniidolo,
Nancy ng Momoland ang nagbalik ng sigla sa puso ko,
Hihintayin ko ang araw na makasama ka sa entablado.

Ikaw lamang Nancy,
Ang bagong laman ng puso ko.

Photo ctto
Ni Nestie Bryal

Spoken PoetryHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin