Bayani

1.4K 14 0
                                    

Sa gitna ng buhos ng ulan,
kami ay nakikipaglaban
Dugo't pawis ang puhunan
para lang sa bansang pinaglalaban

Di iniinda kahit may tama na ng
bala sa katawan.
may takot sa kamatayan
pero hindi pwedeng umatras sa laban.

Paano na?
Paano na ang aking pamilya
na binigyan ko ng isang pangakong
ako'y babalik pa.

Sinakripisyo ang buhay para sa
bansang pinag sisilbihan nya.
Mas inuna ang bansa kaysa sa
sa sariling pamilya niya.

Pero ngayon,
Bat parang balewala nalang sa iba
ang sakripisyong ginawa nila?

mas inuuna pa ang sarili kaysa
sa kapakanan ng iba.
mas ginusto sa ibang bansa
kase kinakahiya daw nya.

Pakiusap wag natin sayangin ang
inalay nilang pawis at dugo
para sa bansang sinilangan.
sama sama nati'ng balikan
ang kanilang pakikipag-laban
at kabayanihan.

Ni Ayel Flores

Spoken PoetryWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu