Tayo

11.4K 140 6
                                    

Hindi na ikaw yung taong minahal ko. Nagbago na ang lahat simula nung tumagal na tayo.

Hindi mo na nga ko matanong ng
"ayos ka lang ba?",
"Kumain ka naba?",
o ng kahit ano.

Kinalimutan mo na mga pangako mo. Pangakong ako lang at wala ng iba. Pangakong walang magbabago hanggang sa huli.

Mga pangakong hanggang pangako nalang. dahil kahit kailan di na matutupad. Niminsan hindi ako nagreklamo, Niminsan di ako umangal sa gusto mo kahit mali kana, kahit nasasaktan nako.. kase mahal kita.

Mahal na mahal.

Ilang beses mo na kong binigo, sinaktan at niloko pero sa kabila ng lahat ng yun minahal parin kita. Ilang beses ko ng nalaman na nagloloko ka pero tinanggap parin kita, kase nga mahal kita.

"Isang araw" ipapadama mo na mahal mo ko pero sa "isang araw" kakalimutan mo na ko. 'Di man lang ako nagalit o nagtampo sayo dahil nga mahal kita. Kahit na 'di na tayo tulad ng dati.

Dating masaya, dating puno ng ligaya. Dating hanggang dati nalang talaga. Hanggang ngayon lumalaban at nagpapakatatag parin ako dahil kaya ko, kinakaya ko, at kakayanin ko kase..mahal kita.

Mahal na mahal kahit minsan parang ayoko na, kahit minsan gusto ko ng isuko ka. Kahit wala na yung dating "ikaw" at "ako" kahit marami ng nagbago sa salitang "Tayo", tuloy parin ang agos ng pag-ibig ko para sa'yo dahil nga mahal kita.

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon