Di Ako Sumuko

1.5K 10 0
                                    

         Naniniwala ako sa kasabihang

"Try and try until you succeed" totoo to,
Share ko lang yung past ko,
Isa akong sports journalist ng school ko,
Na laging natatalo, sanay naman ako.
Sabi ng teacher ko, sumulat raw ako ng mga letra na pupukaw sa mga mambabasa ko,
Andyan na ang mga salitang dinurog, pinadapa, nilampaso, pinulbos, giniba, lahat ng mga masasakit na salita na dapat ko raw isulat, ay isulat ko. Ayun natalo.

Dumating ako sa point ng buhay ko na gusto ko ng sumuko, kasi wala naman talagang  nangyayare, sayang lang ang mga effort, pagod, puyat, araw na ginugugul ko sa pagkakabisa ng ilang pahina ng mga letra, pero wala talaga.

Pero di ako sumuko,
Kahit ilang beses ako napahiya, ilang beses akong naghintay, ilang beses akong umasa, ilang beses akong nadapa, ilang beses akong niloko ng mga salita, ng mga mata, ng mga oras na alam ko, mananalo ako, pero hindi.
Iniwan ako nitong luhaan, iniwan ako nitong sugatan, iniwan ako nitong duguan,
kaya naisip ko na hindi lahat ng sugatan tama ang pinaglalaban.

Kaya sinubukan kung baliktarin ang mundo, sinubukan kung hindi magkabisa ng mga salita, sinubukan kung baliktarin ang mga salita,
Sinubukan kung nagsulat ng kalmado,
Sinubukan kung nagsulat ng walang sakit, ng walang bahid ng pagkatalo, sinubukan kung hanapin ang mga salita na alam ko doon ako mananalo, na hindi ako susunod sa payo, na hindi ako maniniwala sa sinasabi ng iba, na hindi ako babase sa mga mata, na hindi ako magbibilang ng mga oras, dahil ang tanging kailangan ko, ay yung totoong nararamdaman ko, hindi ang nararamdaman ng iba. Dahil ang kailangan ko ay maniwala, magtiwala sa sarili ko na kaya ko, dahil alam ko, ako ang susulat ng kapalaran ko at magsusulat ako ng magsusulat kung ano ang nilalaman ng puso ko, kung ano ang sinisigaw nito, kung ano pinaniniwalaan nito.

Kaya di ako sumuko, at nitong nakaraang pag sali ko, nanalo ako,
Dahil sinunod ko ang puso ko, sinunod ko ang gusto ko, sinulat ko ang nararamdaman ko.

Ni David Sem Nagal

Spoken PoetryWhere stories live. Discover now