Eksperimento

1.4K 22 0
                                    

Isang inosenteng madilim na kwarto
Ang nagsilbing laboratoryo
Sa bugso ng damdamin ay natukso
Na gawin ang isang eksperimento.

Dulot ng matinding kuryusidad,
Itong dalawang kalapating nasa murang edad
Ay sinubukang lumipad
At tinamasa ang langit na hinahangad.

Sinubukang pigilan ngunit sadyang marupok!
Sa tawag ng laman ay nagpatupok.
Sa kanilang damdamin ay nagpasakop
Tinangay ng agos at tuluyang nagpalunod.

Ninamnam ang bawat sandali
Ang tamis, ang sarap at ang hapdi.
Isang gabing sila ang wagi.
At ang bukas ay nalimot na wari.

'Di napigilan ang mga pusong nag-aalab
Tinangay ng temptasyong nagliliyab
Ang katawan nila'y kusang nagdikit
Na parang dalawang malakas na magnet.

Nadiskubre ang sarap na ngayon lang natikman
Dala ng ekperimentong kanilang sinimulan.
Ang bulaklak na ngayon lamang bumuka
Pinasukan ng bubuyog na may daladala

Ngunit lingid sa kaalaman nila
Na ang eksperimentong kanilang ginawa
Ay may mabubuong bunga
Na 'hindi nila inaakala.

At nang kanila ngang matuklasan
Ang resulta ng eksperimentong sinubukan
Sila ay napaluha na lamang
Dahil 'di pa handang maging magulang.

Ni Belle Ulatan (Ms. Tsokulit)

Spoken PoetryUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum