Deep-Res-Yon

2.8K 43 0
                                    

Madalas tulala
Animoy utak gumala
Oras-oras balisa
Sa sarili nag iisip ng masama

Piniling mapag-isa
Sa gitna ng lipunang nang gigisa
Mga dilang may tasa
Kay kamatayan makikipag kasa

Sa loob ng kwebang itim
Umiiyak at nagdarasal ng taimtim
Problemang kinikimkim
Nag uudyok sa planong malagim
Handang itarak ang naka tagong patalim

Lubid, lason, baril o kutsilyo?
Mamili sa mga instrumento
Bulong ni kamatayan at nang iinsulto
Sinasaktan ang sarili animoy kulto
Wag kang magulo
Susunod na ako sa yapak ng ika
treseng disipulo

Ni John Christian Paz

Spoken PoetryWhere stories live. Discover now