Mga Huling Araw

1.8K 22 0
                                    

Malapit nang matapos ang maliligayang araw mo,
Magsisimula ka ulit ng panibago,
Panibagong kapaligiran,
Panibagong makakasama
-
Kaya sulitin mo na,
Habang maaga pa
Kaysa magsisi,
Kapag nasa dulo na
-
Gawin mo na lahat ng mga assignment mo,
Kahit minsan lang,
Kahit parang ang hirap gawin,
Kase dalawang buwan ka na namang tutunganga,
At aaliwin ang sarili
-
Batiin mo yung mga teacher mo,
Kahit na yung mga pinaka terror at ayaw mo,
Hanggang may pagkakataon ka pa,
Kase sa nga susunod na buwan,
Hindi mo na sila makikita
-
Batiin mo na rin yung mga nakaaway mo,
Matatapos na nga lang ang school year,
Magkagalit pa rin kayo
Huwag ganun
-
Sumama ka na rin sa mga get together o gala ng mga tropa,
Kahit ngayon lang,
Kase pagkatapos nito,
Mukhang wala ng susunod
-
Magtapat ka na sa taong dati mo pang gusto,
Para malaman mo na ang sagot na ang tagal mong hinihintay
Baka kase mamaya,
Iyan na rin ang inyong huling paguusap
-
Sulitin ang bawat pagkakataon na kasama mo ang mga kagrupo mo sa research,
Enjoyin niyo na lang ang paggawa,
Magtiis ka na lang muna,
Kase sa susunod,
Iba na ang mga kagrupo mo
-
Gawin mo na ang mga kalokohang pinapangarap mong gawin,
Huwag naman yung aabutin na kayo sa guidance
Baka mamaya,
Hindi ka pa makagraduate nyan
-
Magwalwal ka lang hangga't gusto mo,
Dahil darating ang panahon,
Na yung mga katagayan mo ngayon,
Magpapalit na
-
Magiwan ka ng mga masasayang alaala,
Kahit sa mga huling sandali
Na babalikan mo
Pagdating ng panahon
-
Kumuha ng litrato,
Ng mga bagay na mamimiss mo
Pwedeng tao, bagay, halaman, pagkain na naaayin sa trip mo
Remebrance kumbaga,
Kapag nawala ka na sa lugar na iyon
-
Sulitin mo na ang lahat,
Yung tawa,
Halakhak,
Iyak,
Luha,
Ngiti,
Galit,
Inggit,
Takot,
Dahil hindi mo na yan mararanasan kasama ang mga taong ilang taon mong nakasama
-
At sa pagtungtong mo sa entablado,
Hawak hawak ang papel na sa magulang ay ipinangako,
Matatapos na ang mga maliligayang araw mo,
Magsisimula ka na ulit ng panibago,
Panibagong kapaligiran,
Panibagong makakasama,
At doon,
Matatapos ang lahat.

📷:Ivan Ojeda
Ni Miguel Mitiam

Spoken PoetryDove le storie prendono vita. Scoprilo ora