Wikang Filipino Bangon

11K 51 24
                                    

Mga binibini, ginoo at kapwa kong mga kabataan
Alisin muna sa utak ang pusong nasugatan
Iisantabi ang mga taong sa atin ay nangiwan
Pwede bang sariling wika naman ang ating ipaglaban?

Labas muna tayo sa imahinasyon at limutin ang dulot nina Popoy at Basha
Nasubukan mo na bang kamustahin ang ating wika?
Na tumutulong sa'tin upang tayo ay magkaisa
Ngunit sa paglibas ng panahon ito'y naluluma dahil mas pinipili natin gumamit ng wikang banyaga

Bakit ba Ingles? dahil ba ito ang basehan ng talino?
Wag kang sumabay sa agos ng globo, Ikaw ang gumawa ng mundo mo.
Huwag isipin ang sasabihin ng ibang tao
Tumayo ka sa tuktok at ipagmayabang na ika'y Pilipino

Humuhuni ang mga ibon
Sumisigaw ang mga leon
May sariling katutubong wika ang bawat nayon
Lahat tayo'y may pagkakakilanlan yan ang batid ko't layon

Baliwala ang pakikipagtunggali ng ating mga bayani sa mga parokya
Kung mas tatangkilikin natin ang ibang salita
Sa pagpili ng gagamiting lengwahe, Oo tayo'y malaya
Gusto kong bigyang diin na iwagayway ang ating wika para sa ikauunlad ng bansa.

Wikang Filipino bangon
Huwag magbulag-bulagan sa kahirapa'y tayo'y aahon
Wag matakot! Pumalag tayo sa sistemang lumalamon
Ilaban ang sariling atin ano mang lagay o hamon

Tayo ay magbuklod para sa kinabukasang sagana
Muling buhayin ang nalulumang wika
Gamitin itong sandata sa digmaang pasalita
Utal man magbigkas o magpantig ang tenga sa mga kutya

Huwang mahiya kung ilong ay pango
Blangko man sa sarap ng buhay o sa kahirapa'y di makatayo
Basta may wikang pinapahalagahan yan ang yamang totoo
Ipamukha ng buong puso na tayo'y Pilipino

WIKANG FILIPINO BANGON!!!!!

Ni Joshua De Leon Dupitas

Spoken PoetryDonde viven las historias. Descúbrelo ahora