Muling tumulo ang mga luha ng aking mga mata ng muli kitang nakita
Muling bumilis ang tibok ng aking pusong sabik
biglang nakaramdam ng kaba,
Hindi alintana ang sinasabi ng iba,
dahil sa saya na muli mong pinadamaDahil sa pagkakataong ito ay muli kitang nakita
muli kitang nahagkan
muli kong narinig ang boses mong kay lamig
muli kong narinig ang ritmo ng musikang naging sandalan natin sa mga panahong magkasama pa tayo,Na sapagkakataong ito hinawakan ko ang kamay mo ng kay higpit
at ganoon kadin sakin
Nakikita ko sayong mga ngiti na masaya kang ako'y iyong katabi
Habang pinipisil ko ang mga pisngi mo na indikasyon na nag eenjoy tayo
Wala akong ibang marinig kundi ang boses mong nagkukwento,
isinasalaysay ang mga biro mong pamatay na sinasabi mong pang alis lungkot sa aking buhayMULING TUMULO ANG MALAMIG NA LIKIDO GALING SA AKING MGA MATA DAHIL SA SAYA,
Muli akong naluha ng sabihin mong masaya ka na muli mo akong nakasama
Muli akong naluha ng iparamdam mo muli ang totoo mong nadarama
Muli akong lumuha ng sabihin mong "mahal kita"Pero mas lumuha ako ng aking napagtanto ang init na dumampi sa mukha ko mula sa bintana ng silid ko,
at pagbukas ng aking mga mata ay wala ka,
Kisame ng aking silid ang bumungad sa aking mga mata
Ang init ng araw na dumampi sa aking pisngi ang aking nadamanatahimik ako mistulang umurong ang aking dila,
Dahil sa pagkakataong yon ipinadama sakin ang panandaliang saya na nakasama kita,
Muli mokong napasaya
Muli ang presensya mo'y niyakap ang presensya ko
Muli akong lumuha dahil napasaya mo ako muli
kahit sa limitadong oras,
dahil ang gabi'y tapos na,
at ang panaginip ay naglaho na,At kung bibigyan akong bumalik sa oras na kasama kita,
Handa muling ipikit ang mga mata
bumalik sa pagkakahiga,
handa muling magpakatanga,
Ngunit ang lahat ay nakalipas na,
at may nga bagay na maari mo lang maalala,
ngunit hindi na pwedeng balikan pa.At kung hindi ko man ulit mahawakan ang iyong kamay
at hindi na ulit kita mahagkan
at kung ang pag-ibig mo'y tuluyan ng lumisan
ito ang iyong pagkakatandaan
"Ikaw ang bunga ng nakaraan na gusto kong balikan sa kasalukuyan"ni : JL Sampayo

YOU ARE READING
Spoken Poetry
Poetry#SPOKENPOETRY Dear You, One day, all of the people you treasure the most will leave. But there is one thing that will never go, and you will never forget-poetry. A soul of yourself and a home of your emotions. People come and go, but th...