Mahal

4.7K 66 4
                                    

Sisimulan ko ang kwentong ito
Kung saan tayo pinagtagpo
Kung saan ang tadhana ay tila mapagbiro
Sisimulan ko ang kwentong ito
Na noon sa akin lang tumatakbo ang iyong mundo
Na para bang masaya tayong pinanghahawakan ang ikaw at ako
Pero nasaan na ba ang dating tayo?
Tayo na kaya kong ipagsigawan sa mundo
Tayo na kaya kong ipaglaban matapos  man itong kwento
Ngunit sa bawat kwento ay  may katapusan
Katapusan na kahit kailan ayaw kong tignan
Katapusan na ayaw kong paniwalaan
Pagkat sakit lang ang madudulot nito sa aking nararamdaman
Ngunit sa paglipas ng araw at buwan
Dumating ang araw na aking kinatatakutan
Na para bang ayoko ng harapin pa ang kinabukasan
Naririnig ko ang iyong tinig sa hindi kalayuan
Tinatawag ang aking pangalan
Tila kaba,takot ang nananaig sa katawan
Sa takot ko para bang ayaw na kitang tignan
Ayaw kong marinig,ayokong pakinggan
Ngunit kahit anong pigil ko
Nandiyan kana sa aking harapan
Mga salitang matagal mo ng gustong bitawan
Sana maganda ang kalalabasan
Dahil luha ngayon ay pinipigilan
Sa kabang nararamdaman
Hanggang sa marinig ko ang mga salitang "Tapusin na natin ito"
Para bang nagpanting sa mga tenga ko
Paulit-ulit,Paulit-ulit,Paulit-ulit
Paulit-ulit kong iniisip,tama  ba ang aking naririnig
Matapos mo itong sambitin mga paa ko ay tila nanginginig

Tanong
Bakit?
Bakit tayo nagkaganito?
Parang tinapos mo lang ng wala lang sayo
Na ako lang ang nagpahalaga sa ating kwento
Na ako lang ang may kayang ipagsigawan sa mundo kung anong meron tayo
Pero sa bawat sigaw na ito
Naririnig mo ba ako,naririnig mo ba ako?
Pinagsisigawan ko pa rin ang iyong pangalan
Kahit ito ako,iyong iniwan,iyong sinaktan
Pero dahil sa mahal kita,papalayain kita
Hndi dahil ayaw ko na,hindi dahil pagod na ako
Gusto ko lang na makita na ika'y masaya kahit sa piling pa ng iba
Alam kong maiiwan akong mag-isa
Ang dating tayo ay wala ng pag-asa
Masakit lang sa akin na makita kayong magkasama
Pero sana kahit konti ay ako'y iyong maalala
Maalala na minsan sa akin ay ika'y sumaya

Spoken PoetryDove le storie prendono vita. Scoprilo ora