Lapa

1K 11 0
                                    

LAngit, luPA,
Impiyerno.
Im-im-impiyerno.
Saksak puso, tulo ang dugo.
Patay, buhay,
Alis ka na diyan sa puwesto mo.

LAngit, luPA.
Mayaman, dukha.
Impiyerno, Im-im-impiyerno,
Ang nararanasan ng inosenteng tao.
Saksak puso, tulo ang dugo.
Ginahasa ng tuko, nilamas nang buo.
Patay, buhay.
Patay ang dalaga, nakakaawa,
Buhay ang may sala, nakakalaya.
Alis ka na diyan sa puwesto mo,
Kaso walang karapatan ang mahirap na magreklamo.

Nais mo pang tumakbo, sa susunod na eleksyon at sa kasalanan mo.
Hustisyang hinahanap ng abang mga tao, hindi mahanap dahil bulag na ang nasa mataas na puwesto.
Sa sobrang taas nila, hindi na tayo matanaw.
Katumbas lang ng pera, bumigay na sila't nasilaw.

Gutom sa pagnanasa, parang leon na handang LUMAPA.
Naghahanap ng masisîla, akala mo'y mga taong walang sala.

Kaya LAngit, luPA.
Mayaman, dukha.
Wala ka nang kawala, kapag si satanas na ang gumawa.

Ni Jay Adam Mallapre

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon