Ang bunso ni Papa

1K 20 1
                                    

Araw - araw silang magkasama,
Tanghali, pero madalas umaga.
Kahit di nila gawaing tumawa,
Bakas ang saya sa mata ni papa.

Pinagyayabang sa mga dumadaan,
"Parang anak na ang turing ko dyan.
Kahit madalas na napagkakamalan,
Wala sa kanyang sariling katinuan.

Normal ang lahat nung wala sya,
Nung si bunso ay di pa nakikilala.
Ako ang paboritong anak ni papa,
Pero bat bigla nalang sya nag iba.

Sinusunod ko lahat ng inuutos,
Para sa kanya'y magka puntos.
Binibigyan ako ng pang gastos,
Pambili ko ng paboritong frutos.

Pero nagbago nung dumating sya,
Parang di na ako kasama sa pila.
Parang nasa labas nako ng linya,
Naglaho ang masayang pamilya.

Papa! Mamili na nga po kayo,
Saming dalawa ng bunso nyo.
Kase nakakahalata napo ako,
Wala na yata ako lugar dito.

Nagmadali sya at di sumagot,
Iniwan akong naka simangot,
Umalis at si bunso'y dinampot,
May laban daw at di na aabot.

Lumipas ang ilang buwan,
Di na kami nagpapansinan,
Madalas silang may laban,
At ako lang ang naiiwan.

Isang araw nagkasakit si papa,
Mainit, ngunit nilalamig daw sya.
Agad ako pinangunahan ng kaba,
Kailangan ng sabaw pampakalma.

Di ko alam kung saan kukuha,
Kaya't humanap ng pwede ilaga.
Gising na pa! Luto na ang tinola.
Naiyak sya, bumugso ang luha.

Nang maubos ang sabaw ng tinola,
Tinawag nyako papalapit sa kanya.
Salamat anak sa iyong pag aalaga,
Nagulat ako sa sunod na sinabi nya.

"Yung manok anak pinakain mo ba?",
Tumigil ang mundo ko, oo nga pala.
Mukang kailangan kong lumayas na,
Baka ako susunod na ma-kaldereta.

Ni Mr. Hand-Glider

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon