Nakapatay na ako

895 12 0
                                    

Aaminin ko na
Kahit mahuli pa ako ng pulisya
Na sa mura kong edad
Ay kumitil na ako ng buhay

Isa rin siyang lalaki
Na aking kaedad
Matangkad
At isa ring patpatin

Itinuring ko siyang kaibigan
Hindi marunong sumuko
At marami ring pangarap
Tulad ko

Siya ang aking sandalan
Balikat
Umaagapay
Na talukap

Nagkamali pala ako
Dumating
Ang pagsubok ngunit hindi siya
Dumating

Kaya nabuo sa aking isip
Na siya ay gantihan
May nabuo roong halimaw
Na sa kanya ay papaslang

Alam na alam ko
Ang lahat niyang kahinaan
Ang dati niyang mga sugat
Ang aking tatamaan

Inabangan ko ang traydor
Sa gilid ng paaralan
Marami mang makakita
Ay wala akong pakialam

Nang makita ko ang hangal
Ay inundayan agad ng saksak
Tumagos sa kanyang likod
Sumuka siya ng dugo

Ang kaniyang pagmamakaawa
Ay hindi ko pinakinggan
Ibinaon ang tinidor
Sa kanyang lalamunan

At hindi pa ako nakuntento
Kumuha pa ako ng bato
At ipinukpok nang ipinukpok
Sa kaniyang ulo

Ngunit matibay ang gago
Mala-pusa
May siyam na buhay
Humihinga pa rin kahit lasog-lasog
Na ang kaniyang bungo

Kaya't isinentro ko ang bato
Sa bukana ng kaniyang dibdib
At buong lakas kong pinukpok
Isa
Dalawa
Tatlo
Tingnan natin
Kung mabubuhay ka pa

Maraming nakakita
Marami ang nakakaalam
Ngunit ang mga pulis
Ay hindi ako mahuli-huli

Galugarin man nila ang lahat ng dako
Hindi nila ako matatagpuan
Dahil meron akong safehouse
Sa ilalim ng lupa

Ang tangi kong hiling
Huwag niyo akong husgahan
Tao rin ako
Tao rin ako

Kung gusto niyo akong makita
Magtanong kayo sa mga nakasaksi
Dahil nakatatak sa kanilang diwa ang
Petsa at ano
Bakit at kailan
Lugar at paano ko pinatay
Sa kanilang harapan
Ang aking sarili

Larawan ni: Julius Jonson
Ni  Juan Brixter Tino

Spoken PoetryWhere stories live. Discover now