Wikang Katutubo Tungo sa Isang Bansang Filipino

8.8K 26 22
                                    

  Iba't ibang pangkat,
Mga mamamayang iisa ang puno at ugat,
Magkaiba man ang kulay ng bumabalot na balat,
Iisang libro  lang ang pinagmulang alamat.

Iba't ibang dayalekto,
Sari-saring wikang katutubo,
Iba-ibang uri ng tribo,
Iisa ang dugo at puso,
Iisang pagkatao, mga mamamayang Pilipino.

Maitim man o maputi,
Iisa lang ang kulay na kayumangi,
Kutis porselana,
Tunay na posturang maharlika,
Babaeng marikit at may mala dyosang ngiti sa labi,
Lalaking matipuno, malakas at maliksi,
Tayo ay Pilipino, iisa ang ating lahi.

Pilipinas ang ating lupang sinilangan,
Taglay nito ang walang katumbas na likas-yaman,
Wika at Kultura ang nagsisilbing kayamanan,
Kayamanan ng mga Pilipinong mamamayan.

(W)ika ang sumasalamin,
(I)to ang nagsisilbing kaluluwa ng ating,
(K)ultura't pagka-Pilipino ng bawat isa sa atin,
(A)ko, ikaw, sila, tayong lahat, tungo sa kaunlaran ng iisang bansa natin.
(N)agsisilbing kayamanan ng bawat Pilipino,
(G)intong pamana ng ating mga ninuno,

(K)aya, ating ingatan at huwag limutin,
(A)ng isang pinakamahalagang parte ng pagka-Pilipino natin,
(T)anda ng ating kasaysayan at susi sa kaunlaran ng ating bayan,
(U)kit ng nagdaang mga panahon, tungo sa katiwasayan at inaasam na kapayapaan,
(T)atak na nagsisilbing pagkakakilalan,
(U)gat ng nag-iisang pangalan,
(B)ilang isang Pilipino,
(O)bligasyon nating i-preserba at mahalin ang sariling atin, ang wikang katutubo.

Wikang katutubo ang magsisilbing tulay,
Tungo sa isang bansang dugong Pilipino ang nananalaytay,
Bandera ng watawat nati'y ating iwagayway,
Sama-samang magkakapit bisig, maghahawak kamay, itaas nang sabay-sabay, at isisigaw ang katagang, lahat tayo'y mabuhay! MABUHAY!

Ni May Jhon Ledesma

Spoken PoetryWhere stories live. Discover now