Pag-aaral

10.4K 59 4
                                    

Aking bibitiwan isang piyesa para sa lahat
Ito ay hindi ko kinuha sa kahit anong aklat
Makinig kayo sa aking akda na aking sinulat
Para lahat tayo dito ay mamulat

Grado mo mababa na
Tila wala kang pake ata
Pano na si ina at ama
Pagod ng umunawa

Makapal na tintang kulay pula
Magmamarka sa iyong markang nakuha
Puro ka barkada,pano naman ang iyong makukuha

Ambisyon mo tila nawala

Dahil sa bisyo mong puro barkada
Libro na naka-imbak,bakit di mo subukang ibuklat

Pa'no ka papasa kung pag-aaral
Isinasawalang halaga
Puro pag-ibig ang ginagawa
Sa tingin mo ika'y papasa kaya

Pag-ibig na walang kasiguraduhan
Aking ipapamulat sa inyong kaisipan
Hindi lahat ay puwedeng magkatuluyan
Dahil ang lahat ay may katapusan

Oo may katapusan ang bawat relasyon
Dahil wala pa tayong matatag na pundasyon
Kaya gawin na lamang itong inspirasyon
Para magulang ay mangunsumisyon

Lahat tayo ay magmamahal
Walang pinipiling edad kapag nagmahal
Ngunit huwag tayong umasa na ito ay tatagal
Sa pag-aaral doon tayo magpagal

Pag-aaral na tutulong sa 'yong kinabukasan
Iyo na lamang bang papabayaan?
Mga luho mo mga bisyong di maiwasan
Ang mga ito kaya'y makakatulong at papatunguhan

Isipin mo ang hirap ng iyong magulang
Na kayang gawin ang lahat makatapos lang
Isipin mo ang ibang handang maghirap
Na patuloy na nag-aaral at nangangarap

Pag-aaral na susi sa magandang bukas
Pag nakapagtapos lahat ng hirap malulutas
Magandang kinabukasan na hangad ng karamihan
Kapag nakatapos ito ay makakamtan

Spoken PoetryWhere stories live. Discover now