Kababata

1.1K 14 0
                                    

Ang saya!
Dahil 'pag pinagsama ang ikaw at ako,
Ay may salitang tayo.
Naaalala mo pa ba?
Itong kuwento nating dalawa?
Isinulat ko pa nga di ba,
Para mabasa ng iba.
Gusto ko kasing kiligin din sila
Sa mga naganap noong kasama pa kita.

Simula sa pagkabata magkasama tayo.
Dahil ikaw ay kababata ko.
Kasama sa tuwing umaakyat at tumatakbo,
Madadapa pero sabay na tatayo.
Palaging ikaw ang kalaro ng taguan.
Oo taguan! Taguan ng nararamdaman.

Naaalala ko pa.
Kapag nasa parke tayong magkasama.
Bibili ka ng sorbetes.
Tapos itatanong ni kuya kung bakit dalawa,
Ang sagot mo nama'y "Kasi kasama ko siya!"
Pagkatapos, pupunta tayo sa karinderya,
Para makain ang paboritong putahe nating dalawa.
Wala akong pake kung sino ang nakakakita.
Ang importante ay masubuan kita.
At kapag dumidilim na ay ihahatid ka na.
Sabay mano sa iyong mama at papa.

Kapag nalaman mong nilalagnat ako.
Walang anu-ano'y pupunta ka sa kuwarto ko.
Aalagaan, masiguro mo lang na ligtas ako.
Ako na Bestfriend mo.

Isang araw, habang naglalakad tayo,
Napagdesisyonan ko nang magtapat ako.
Sinabi ko na "Gusto kita! ayy hindi pala. Mahal kita!"
At ang sagot mo lang ay apat na letra -"Haha!"

Dumating ang panahon na tayo ay tumuntong sa kolehiyo.
Napakarami ng bagong taong nakilala mo.
Subalit hindi ko inaasahang magbabago na rin pala ang ugali mo.

Sa tuwing dadaan sa iyong harapan, ni wala man lang "Kamusta ka kaibigan ko?" Samantalang dati rati tuwing mahuhulog ang mga libro ko,
Sabay pa nating pupulutin ang mga ito.
Tititigan ang aking mga mata na parang pag-aari mo.
Ngunit ngayon, lalagpasan mo lang ako,
Na parang bentesingko sentimo na walang halaga sayo.

Dati, ako ang importanteng sangkap sa niluluto mo.
Ikaw ang suka, ako naman ang toyo.
Hindi magiging masarap ito,
Kung wala ang salitang ako.
Ngunit bakit nagbago?
Akala ko adobo ngunit paksiw na ito.
Na kahit kailan hindi mo na kakailanganin ang isang tulad ko.

Dati, ikaw ang laging ka-chat ko.
Kahit inaantok na tinitiis ko pa.
Isang gabi nga sinabi mo na "Mahal kita!"
Kaso sa dulo may pahabol na "Joke lang ha."
Noong sumunod na buwan sinabi mo ulit na "Mahal kita!"
Kinilig ako, naniwala ako.
Kasi sa dulo walang nakasulat na "Joke lang ha!"
Subalit pagtingin ko sa kalendaryo naalala ko na April Fools nga pala.

Sa tuwing sumasali ka sa patimpalak.
Kamay ko'y hindi magkamayaw sa pagpalakpak.
Bibig kong walang tigil sa paghalakhak.
Tapos kapag tinawag ang pangalan mo mapapasigaw ako ng,
"Girlfreind ko iyan!Este Bestfreind ko lang yan!""

Kaso ipinagpalit mo ako sa iba.
Paano ba naman ang kinis ng mukha niya.
Kung ikukumpara, walang-wala ako sa kaniya.
Naalala ko yung huling pelikula na pinanood nating dalawa.
Sa utak ko may tumatak na linya.
"Pangit ba ako? Kapalit-palit ba ako?"
Kasi, kung oo, teka lang, magpapa-Belo muna ako!

Anong nagyari? Bakit naging ganito ang pangyayari.
Dati ako ang priority niya, pero napalitan ng "Eh ano ka ba niya?" Dati ako lang ang sinasabihan mo ng "mahal kita," pero napalitan ng "sino ka ba?"

"Sino ka ba?"
Sino nga ba ako?
Ako lang naman ang bestfreind mo na pinapahalagahan ka kahit binabalewala mo na. Ang bestfreind mo na sa puso ko ay mahal ka kahit sinasabi ng isip ko na "tama na." Ang bestfreind mo na patuloy sa pagkapit sa'yo kahit sinasabi ng iba na bitawan na kita. Ang bestfreind mo na narito pa rin
Kahit kitang-kita ng aking mga mata, dinig na dinig ng aking mga tenga Na may pumalit na sa pwesto ko, at iyon ay siya.

Siguro nga nagkamali ako.
Oo nagkamali ako!
Kasi akala ko na kapag pinagsama ang ikaw at ako ay may "tayo." Subalit ito pala'y hindi totoo,
Dahil kahit ilang beses kong pagsamahin ang mga salitang "ako" at "ikaw," Hinding-hindi ako makakabuo ng salitang "tayo."
At ang bagay na ito ang dahilan kung bakit nasasaktan pa rin ako.
Kasi umasa at umaasa pa rin ako
Umaasa ako na sana may "Tayo."

Ni Jaymorie R. Rivera

Spoken PoetryTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang