Pagsuko

2.1K 18 0
                                    

At unti-unti na ngang nababaklas ang mga kadenang ipinulupot mo sa aking puso
Dahan-dahan naring nag-iiba ang hugis at anyo nito
Nakakahinga narin ng maluwag sa pagkakakulong
Sapagkat tuluyan ko ng pinuputol ang mga pangakong kailanma'y dina mabibigyang katuparan

Hindi man madaling lumimot, pero alang alang sa pusong nasugatan
Na nakaramdam ng sakit, kirot at takot
Ay kakayanin kong tuldukan kung ano man sa atin ang namamagitan

Kung sa tingin mo ay paulit-ulit akong lalaban para sa nabuong samahan
Nagkakamali ka, dahil sa ngayon hindi ko na hahayaan na lamunin pa ako ng aking katangahan
Ako na mismo ang tumatapos dahil pagod na pagod na akong magmahal sa kawalan
Ayoko ng magmistulang batang sanggol na madalas sa gabi panay ang hagulgol

Sa pagkakataong ito, mariin kong inia-alay sayo ang tulang ginawa ko
Gamit ang mga salitang binuo ng poot, hinanakit at galit na idinulot mo sa aking pagkatao
Di man ito direktang maindindihan
Pero naniniwala ako na sa pamamagitan ng damdaming inilapat ko sa munting tulang ito
Kapag ito'y binasa mo mararamdaman pati ng yong buto ang nais na pahiwatig ko

Maraming beses ko ring sinubukang lumaban
Pero tama na, tigil na at ayoko na
Dahil kahit anong pwersa pa ng aking bisig
Talo parin ang katawan ko kapag puso't isip ko na ang nanaig

Ngayon, sinisimulan ko ng wakasan ang ugnayan
Ugnayang nagbuklod ng ating matagal na pinagsamahan
At dahil sumusuko na ako, dinedeklara ko nang ako ang talo
Sa sugal na pagdurusa't pagkabigo ang premyo.

Ni Jeff Bautistiana

Spoken PoetryWhere stories live. Discover now