Kung Iiwan Mo Ako

1.1K 18 0
                                    

Nagsimula sa tinginan,

Nagsimula sa pagtula nang marahan,
Nagsimula sa pagsambit nang ako'y kinakabahan,
Hindi inaasahang ika'y aking mawaksihan.

Tandang tanda ko pa noong una kitang nakilala,
Tumutula ako kasama ang aking mga kagrupo o kasama,
Minamasdan kitang lumakad sa kalsada papuntang kapiterya,
Minamasdan yung mga ngiti mong parang mga tala.

Tila ibon sa kanta na kapag ikaw ay aking nakikita,
Pakiramdam ko na ako'y lumilipad.
Sa mga buhok mong sumasabay sa hangin ako'y napapatingin.
Umaasa na ako'y iyong papansinin.
At mananalangin akong ikaw ay mapasakin.
Natupad ang aking mga hiling.

Mahal,
Bago naging tayo,
Pinagako ko sa'yong hindi kita iiwan.
At nangako ka ring hindi mo ako bibitawan.

Mahal,
Kung iiwan mo ako,
Gusto ko maging masaya ka sa piling ng magiging iba mo.
Kung iiwan mo ako, wag kang iiyak dahil ayaw kong masayang iyang mga luha mo.
Kung iiwan mo ako, gusto ko ituring kang prinsesa ng pipiliin mo.
Kung iiwan mo ako, sana mahalin ka ng totoo ng magigong bago mo.

Mahal,
Kung iiwan mo ako, ang tanging gusto ko
Ay marinig lamang sa'yo.
Ang sagot sa tanong,
tunay nga bang magiging masaya ka?

Mahal,
At kung iiwan mo ako,
Wag kang mag-aatubiling magpaalam,
Dahil sawa na akong mapag-iwanan.
Sawa na akong masaktan.

Pilit kong pinapasok sa kokote ko
na kaya ko pa,
ngunit lalabas din pala sa kabilang tainga.
Pilit akong nagbubulag-bulagang ayos pa,
Ngunit mali na pala,
Antanga ko pala.

Mahal,
Kung iiwan mo ang isang makatang kagaya ko,
Dapat magpaalam ka,
Dahil alam ko na may mahahanap kang iba ngunit hindi tulad kong handang gumawa ng higit pa sa isang daang tula.

Mahal,
Kung nakikinig ka,
Bago bumitaw, gusto kong sambitin mismo ng mga bibig mo ang mga katagang,
"Mahal kita ngunit pagod na ko."
Nang sa gayon, alam ko na ikaw ang unang sumuko at hindi ako.

Ni Mhar Suizo Gracilla

Spoken PoetryWhere stories live. Discover now