Kultura't Kasaysayang Wala ng Saysay sa Kasalukuyan

2.7K 17 0
                                    

Ako ay isang kabataan na may nais ipaalala,
Mukha kasing sa panahon ngayon ang tulad kong kabataan ay malala na,
Sa social media pa lamang ay iyo ng makikita,
Kung magsuot at manamit kulang na lamang ay tanggalin ang saplot na panty at bra.

Teka, Naalala nyo pa ba yung mga kababaihan noong dekada?
Ang tawag sa kanila noon ay mga Dalagang Pilipina,
Sa pananamit,
mahahabang mangas at laging nakapalda,
At ang mga kalalakihan tunay talagang ginagalang at nirerespeto sila.

O ito naman,
Balik tayo sa kasaysayan,
Kasaysayan na atin na atang nakalimutan,
Mga bayani't kanilang ginawa para sa inang bayan.

Naaalala nyo pa ba?
Sa tingin ko kasi mukhang hinda na,
Buti pa pala ex mo niloko ka na nga at pinagpalit sumasama ka pa,
Samantalang yung mga bayani pinaglaban ka na't lahat nakaligtaan mo pa.

O ito..
Tanda nyo pa ba kung sino ang utak ng katipunan?
Emilio Jacinto nga pala ang kanyang ngalan,
Isang Ginoo na inalay ang buhay para sa inang bayan,
Tila kasi miski mga bayani inyo ng nakalimutan.

Tanda nyo pa ba si Marcelo?
Isang Ginoo na nagsulat sa dyaryo,
Isa sa manunulat na nagpamulat sa atin sa kasarinlan,
La Solidaridad ngalan ng pahayagang kanyang sinulatan.

Tanda nyo pa ba si Heneral Luna?
Isang bayani na pinatay mismo ng kakampi niya,
Heneral na walang hangad sa bayan kundi gumanda,
Tila ata di nyo na kilala pagkat pumanaw na.

O ito naman,
Kilala nyo ba yung koreanong nag sundalo?
Maraming nahuhumaling sa kanya sapagkat siya ay Gwapo,
Ngalan daw non ay “Lee Min Ho”
Kawawa naman pala sina Heneral Luna at Emilio,
Sundalo na minsan di man lamang naipagmalaki at Hinangaan ng kadugo nilang Pilipino.

Nga pala anong kabanata ka na sa libro na “Wattpad” kung tawagin?
Noli Me Tangere ba ay tapos mo ng aralin?
Sayang sapagkat di mo man lamang nasubaybayan ang pagiibigan ni Crisostomo at Maria Clara,
Puro Maxpein at Deib Lohr kasi ang pinili mong makilala.

Tanda nyo pa ba yung “Po at Opo”
na paggalang sa mga nakatatanda?
Yung Pagmamano sa tuwing sila'y nakikita?
Tila kasi ang pagmamano ngayon bibihira na lang masilayan,
Tuwing pasko ko na lang napapansin para pa may aguinaldong makamtan.

Wika nga ni Jose Rizal “Kabataan ang Pag-asa ng Bayan”
Paano na lamang kung sila ay nabubuhay pa at ganito ang kanilang nasisilayan?
Manghihinayang lamang sila sapagkat ganto lamang ang kahahantungan ng kanilang pinaghirapan.

Sana sa panahong ito Pinoy naman,
Pahalagahan natin yung mga bagay na sa atin nilaan,
Pano na lamang kung nabubuhay pa sila Jose Rizal,Emilio,at Antonio sa kasalukuyan?
Malamang manghihinayang sila sa kanilang isinakripisyo sa inang bayan.

Kaya't uulitin ko isa kong kabataan na may nais ipaalala,
Ibalik sana natin ang ating nakaugaliang kultura,
At sa kasaysayan...
Atin pa din itong pahalagahan kahit lumipas na,
Dahil ito ang nagpapaalala na hindi na tayo alipin ng iba.

Ating Tandaan...
“Walang kasalukuyan,Kung walang nakaraan"

Ni Matt Fernandez

Spoken PoetryWhere stories live. Discover now