Sa pag lipas ng mga araw lalo kita naaalala, lagi ng nasa isip ayaw na nga ata maalis pa. Ninanais ko na kita ay makasama pero napakahirap talaga.
Mag kalayo tayo sa isa't isa kaya sobra kitang namimiss sinta.Pero kahit na pa napakalayo mo pa pangako ko naman na tanging nag iisa ka. Wala ng hihigit pa sayo, dahil ibang iba ka sa kanila.
Hindi mo man ako lagi kasama lagi parin kita inaalala kung kumain na ba o kung ok ka.Malayo ka man patuloy ko ipaparamdam sya kong pag mamahal na sayo ko lamang ibibigay. Wala ng pag lalaanan kundi ikaw lamang.
Mahal kita wala ng iba paulit-ulit man at nakakasawa na pero totoo at tapat naman at d na mababago pa.Pag mamahal ko d na mag babago hanggang sa muli makasama kita dto sa piling ko. Hindi na ako makapag hintay na muli mahawakan ang yong kamay, pati mga ngiti mong walang kapantay. Kilay mo man laging galit pero sobra na rin nakakamiss hindi ko mapigilan ang kilig pag boses mo ay naririnig.
Akward man matatawag pero sadya lang naman tapat.
Hindi dapat ikahiya lalo na sayo lang ay sapat.
Sabihin man ng iba na d yan mag tatagal dahil malayo sa isa't isa.Pero masasabi ko lang tiwala at pag mamahal mag tatagal yang talaga. Ganyan pag mamahal ko sayo, d na din mag babago, pinapangako ko na hanggan na itong dulo. I love you ng sobra Mahal ko.
YOU ARE READING
Spoken Poetry
Poetry#SPOKENPOETRY Dear You, One day, all of the people you treasure the most will leave. But there is one thing that will never go, and you will never forget-poetry. A soul of yourself and a home of your emotions. People come and go, but th...