Cleavage

1.4K 16 2
                                    

Sabi ni Ina, ang dibdib ng babae ay maituturing na sagrado
Sapagkat ito ang kanlungan ng bagong silang na tao
Gatas ditong dumadaloy ay hindi dapat sinisino
Dahil ito ang bumuhay sa nilalang ng mundo

Bahaging ito ng katawan ay dapat daw na ikubli
Sa mapanghimasok na mga mata't diwang makakati
Mistula itong hiyas na sa baul nakatabi
Upang hindi manakaw sa kalagitnaan ng gabi

Ngunit bakit sa dahan-dahang paglipas ng panahon
Unti-unti nang nililimot ang mga ginintuang leksiyon
Ang yumi at alindog ay iba na ang depinisyon
Mas lantad ang balat, mas higit ang atensyon

Ang naging palasak na gawain ng karamihan
Kukunan ang sarili ng kani-kaniyang larawan
Kahit pa maluwag ang pang-itaas na kasuotan
Saka ipapaskil sa social media at ipangangalandakan

Sa ngalan ng likes at kagustuhang mapansin
Hindi raw sapat ang magandang mukha sa modernong paningin
Palamutian ang iyong pisngi't papulahin ang iyong labi ,iyan ang kailangan mong gawin
Pati ang bahagi ng dibdib mo ay ipakita mo na rin

Wika pa ng iilan, wala naman daw mawawala
Kung ipapakita nila ang kanilang dibdib bukod pa sa kanilang mukha
Ikaw nga ay mag-isip at sa agos ay kumawala
Dahil ang walang respeto sa sarili ay mas masahol pa sa daga

Oo nga't ang iyong litrato ay totoong pinusuan
Ng lahat ng iyong 5000 "kaibigan"
Ngunit hindi mo ba napapansi't hindi mo ba nalalaman
Na ang iyo mismong sarili ang siya mo ring nilapastangan

Sa daigdig na ito'y ano na nga ba ang nangyayari
Tila wala nang paggalang ang tao sa sarili
Upang mabigyang-pansin at magustuhan ng marami
Ay ipapasilip sa mga uwak ang nakatagong diyamante

Kung ikaw ba ay may ginto, pilak at mga alahas?
Ipapakita mo ba ito't ipagyayabang sa lahat ng tao sa labas?
Hahangaan ka nga nila ngunit darating din ang oras
Na tuluyang maglalaho ang ningning ng iyong hiyas

Sapagkat nanatiling bulag ang ating mga mata
Hindi tayo marunong kumilatis sa tunay na ganda
Wala nang pakialam sa kalinisan ng kaluluwa
Bahagi ng katawan na lamang ang siyang sinasamba

Ang magagandang tanawin ay nararapat lamang na liblib
Dahil kapag nadapuan  ng mata'y tiyak itong manganganib
Mas kaakit-akit ang babaeng sa Diyos ay may pananalig
Mas matimbang itong puso na nasa loob ng dibdib

Likes, wow at hearts, wala iyang mga saysay
Ang totoong kagandahan ay hindi riyan nakabatay
Kabuting-loob ang alindog na tunay
Na iyong dadalhin hanggang sa iyong hukay

Ni Juan Brixter Tino

Spoken PoetryDonde viven las historias. Descúbrelo ahora