Babae lang Ako

5.3K 75 3
                                    

Hi, ako nga pala yung babae na tuwing nanjan ka, bigla akong sumasaya.
Ako nga pala yung babae na tinitignan ka tuwing nakatalikod ka.
Ako nga pala yung babaeng nangangarap na mapansin mo.
Ako nga pala yung babaeng ninanais na magustuhan mo.
Ako rin yung babaeng sa simpleng tingin lang sayo, nabubusog na ang mga mata ko.
Yung babaeng okay lang sa pasulyap-sulyap. Basta makita ka lang.
Yung babaeng di kagandahan pero kaya kang mahalin ng pangmatagalan.
Ako rin yung babaeng gustong maging iyo, pero iba ang iyong gusto.
Ang saklap diba? Pero anong magagawa ko? Ako lang naman yung babaeng hindi mo pinapansin.
Yung babaeng tila hangin sa iyong paningin.
Wala eh. Ganito lang ako, isang babaeng walang talento kundi magpasaya lang ng ibang tao.
Isang babaeng mas gugustuhing mapasaya ang iba kesa sa sarili nya.
Isang babaeng nakangiti kahit may sakit na iniinda.
Isang babaeng kapag may problema mas pipiliing mag-isa. Dahil ayaw makaabala ng iba.
Pero ako lang rin yung babaeng ninanais na maging masaya. Yung totoo ah. Nakakasawa na rin kasi yung makikita ka ng mga tao na masaya, na tumatawa, kahit deep inside hindi naman talaga.
Ako rin yung babaeng hindi sanay sa mga iyakan o dramahan, bakit? Nasanay lang siguro sa mga problemang pinagdadaanan.
Ako yung babaeng kahit hindi mo man gusto, tanggap ko. Dahil alam ko naman sa sarili ko na never magiging tayo.
Tayo? Sa panaginip lang ata mangyayare yun. Kasi sino ba naman ako? Ako lang naman yung babaeng pinapakilig mo, yung babaeng pinapasaya mo kahit wala ka namang ginagawa. Wala eh, isa lang naman akong babae, na hindi gustuhin ng mga lalake.
Babae lang ako na hindi kayang lumapit sayo.
Babae lang ako na hanggang sulyap lang sayo.
Babae lang ako na kayang magpanggap na masaya kahit hindi naman talaga.
At panghuli, babae lang ako, babae lang ako na palihim na nasasaktan mo.
Babae lang ako, babae lang ako

Spoken Poetryحيث تعيش القصص. اكتشف الآن