Kabanata 1

1.9K 85 22
                                    

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Do not distribute, publish, transmit, modify, display or create derivative works from or exploit the contents of this story in any way. Please obtain permission.

Plagiarism is a Crime!

**

Kabanata 1

"Tara na Janelle! Magsisimula na ang Basketball." anyaya sa'kin ni Kelly.

"Wait lang panuorin muna natin 'tong archery." sabi ko.

"Mas pipiliin mo pa ang archer na yan kesa sa ultimate crush mo!" naiinip na sabi niya.

"shhh!" pagsaway ko sakanya.

"Bulls-eye!" sambit ko nang sumentro sa dart ang arrow.

Ang galing niya naman, parang gusto ko matuto ng ganyang sport.

"Oh sige, tara na." aya ko sa kaibigan ko, at tumungo na kami papuntang gym.

Halos mabasag na ang eardrums ko sa mga tili ng mga babae pagkarating namin ng gym. Natulala na lamang ako sa pawis na pawis na si Tyler. Grabe ang gwapo niya talaga at ang hot pa. Natapos ang laro na ang panalo ay ang basketball team nitong school kontra visitor.

**

"Wow! may chocolates ka na naman ng secret admirer mo." manghang sabi ko nang makita namin ang mamahaling tsokolate na nakalagay sakanyang locker.

"Sana nga gwapo siya." hiling nya.

"Baka bes pangit siya, kaya di niya magawang magpakilala sakin." aniya.

"Makikilala mo rin yan someday." tugon ko.

"Tara na nga, gutom na ako." anyaya ko sakanya papuntang cafeteria.

Pumila naman agad ako para mag-order ng makakain namin ni Kelly.

Nagsilingunan as usual ang mga babae nang parating na ang apat na lalake. F4 lang ang peg. Dati tatlo lang sila ngayon apat na dahil dumagdag ang pinsan ni Tyler, yung nag aarchery kanina na pinapanood ko.

Umupo sila sa favorite nilang table sa gilid.

"Congrats!" bati ng mga babae at tumango naman sila. Napansin ko naman yung cousin niya na pasulyap-sulyap sa gawi ni Kelly.

"Bes, anong name niya?" tanong ko matapos kong mag order.

"Sino? yung transferee?" tanong niya at tumango naman ako.

"Hmm Ethan yata ang name niya, di ako sure." kibit-balikat niya.

"Bet mo?" panunuya niya, at tinaasan ko naman siya ng kilay.

"Mas gwapo pa nga siya kay Tyler eh, kaso di ko siya type mukha siyang playboy na habulin ng mga babae." sabi niya sabay subo ng pizza.

Nilingon ko naman si Tyler na kakwentuhan ang mga kaibigan niya.

'Haaay... kailan mo kaya ako mapapansin?'' tanong ng aking isipan.

Nang uwian na ng hapon, di ko makakasama si Kelly pag uwi dahil may practice pa sila ng cheering squad. Dumiretso muna ako sa may locker at laking gulat ko na may lalakeng nakatayo sa harap ng locker ni Kelly na may isinisiksik na papel. Di kaya siya ang secret admirer ni kelly?

Parang nakakita naman siya ng multo nang makita ako

"Aha! ikaw pala!" sambit ko habang tumatango-tango.

Kung Tayo Man (Completed)Onde histórias criam vida. Descubra agora