Kabanata 30

286 11 1
                                    

"Uy ano ba! Kung makayakap naman 'to wagas!" singhal ko at pinilit ko naman alisin ang braso niyang nakapulupot sa katawan ko.

"Shhhh!" rinig kong pang aalo ng tao sa paligid namin. Napalakas yata ang boses ko.

"Baby girl, natatakot kase ako." ani Ethan.

"Tsk, ang duwag mo!" pabulong kong sabi. Nakakainis lang, pagkatapos yayain akong manood nitong horror movie siya din pala ang duwag, psh!

"Nag enjoy ako sa panonood ng horror movie." sabi niya nang makalabas na kami ng sinehan.

"Anong nag enjoy? lumabas nga yang pagkaduwag mo." singhal ko. nag smirk lang siya.

"Tara na baby girl." anyaya niya patungong parking lot.

"Isa pang tawag na baby girl, makakatikim ka na talaga sa'kin." asik ko.

"Wag naman, di pa ako handa, study first muna." aniya sabay takip ng katawan niya.

Kinunutan ko naman siya ng noo at doon ko na gets ang sinasabi niya.

Anong akala niya? Hahalayin ko siya?

Hinampas ko naman siya.

"Aray... aray tama na! nakikiliti ako!" daing niya.

"Ewan ko sayo, ang green mo masyado, tsk!" singhal ko at sumakay na ako ng kotse niya.

Nang maihatid niya na ako sa bahay,

"Ako na." sabi ko nang tinatanggal niya ang seatbelt sa'kin.

"Ang tagal mo naman tanggalin." asik ko.

Few inches nalang ang pagitan namin. Napayuko siya at ilalapit niya na sana ang labi niya nang umiwas ako. Uminit naman ang pagmumukha ko.

"Kailangan ng malaman ni mama na may boyfriend na ako." sabi ko.

"Huh!? i-ipapakilala mo ako? n-ngayon na?" nauutal niyang tanong at tumango naman ako.

Magagalit kase yun kapag inilihim ko sakanya na may boyfriend ako.

"Ba't parang kinakabahan ka?" tanong ko.

"Wala lang, Hehe!" aniya sabay kamot sa batok niya.

"Medyo may pagka-strict ang mama ko, kaya umayos ka!" pagbabanta ko. Nakita ko namang napalunok siya.

"O-okay" sagot niya.

Bumaba na kami ng kotse at pumasok sa bahay. Ako rin kinakabahan, baka kase hindi niya matanggap si Ethan. Nakita namin siya na nakaupo sa sala at nanonood ng TV habang hinihilot niya ang sentido niya.

"Ma!" tawag ko sabay beso sa kanya.

"Oh anak, ba't ngayon ka lang?" tanong niya. Pinasadahan niya naman ng tingin si Ethan.

"Galing akong mall." sagot ko.

"Sino siya?" tanong niya pa.

"Hmm.. Ma, s-si Ethan po boyfriend ko." sagot ko habang nakayuko.

Tinaasan niya naman ng kilay si Ethan.

"G-good evening po!" bati ni Ethan.

"Gwapo naman ng boyfriend mo 'nak, pero mukhang babaero!" baling niya sa'kin.

Grabe, lumakas naman ang kabog ng dibdib ko dahil sa kaba.

"Hindi naman po, Hehe!" nahihiyang sagot ni Ethan.

"K.. prove to her!" yun lang ang naging sagot ni Mama.

"Kumain na ba kayo?" tanong niya.

"Kumain na po kami." sagot ko.

Kung Tayo Man (Completed)Where stories live. Discover now