Kabanata 11

373 32 11
                                    


Tumingala ako sakanya at kitang-kita ko sa kanyang mga mata ang pag-aalala. Parang hingal na hingal pa siya dahil sa pagtakbo. Inilahad niya ang kamay niya upang tumayo ako. Tinanggap ko naman iyon.

"Pinag-alala mo si Kelly." ani Ethan.

"Ah n-naliligaw kasi a-ako, hindi ko alam yung daan pabalik." nanginginig kong sabi. Hinubad niya naman ang jacket niya at isinuot sa'kin. Naamoy ko naman ang jacket niyang mabango.

"Tara na." aya niya sabay hawak sa kamay ko. Malalim na ang gabi at malakas parin ang ulan. Buti nalang may dala akong cellphone para gamiting ilaw sa dinadaanan namin. Palinga-linga naman siya sa dinadaanan namin.

"Saan na ba yun?" nalilito niyang sabi. Wag niyang sabihin na nakalimutan niya rin ang daan pabalik?

"May nadaanan akong kubo doon." aniya at hinila na ako. Sumilong muna kami sa isang lumang kubo. Nanginginig parin ako sa lamig. Nakita ko naman na kinikiskis niya ang kanyang mga palad at nilalapat niya sa pisngi ko. Naramdaman ko naman ang init nito. Kitang-kita ko ang mapupungay niyang mata. Parang ibang-iba siya ngayon, nakakapanibago.

"A-ano nilalamig ka pa ba?" tanong niya.

Tumango ako dahil nilalamig parin ako.

"Baka gusto mong magpayakap, hindi mo lang masabi." panunuya niya.

Tumahimik nalang ako dahil sa panginginig.

"Marami ng naghahanap sayo." aniya.

"B-bumalik na t-tayo." sabi ko.

"Nakalimutan ko ang daan pabalik, masyado kasing makipot ang daan at ma-puno." aniya habang yakap narin ang kanyang sarili. Nanginginig narin siya dahil sa lamig.

"P-paano pala kung hindi ako d-dumating?" tanong niya.

"S-siguro nandun pa ako sa may puno." sagot ko.

"Hindi ka na sana nag abalang hanapin ako." sabi ko sa kanya.

"Kawawa ka naman kase eh." aniya.

Kinikiskis niya parin ang kanyang mga palad para uminit ito at nilalapat niya sa braso niya.

"Hintayin nalang natin tumila ang ulan." sabi niya.

Napasandal nalang ako sa inuupuan ko at pinikit ko ang aking mga mata. Hinayaan ko nalang yung flashlight ko sa cellphone na nakabukas.

Sana paggising ko ay umaga na. Iminulat kong sandali ang aking mga mata at nakita kong nakakatitig siya sa'kin at naka half open ang bibig. Agad naman siyang napaiwas ng tingin at tumingala siya.

"Pa-tila na yung ulan." aniya.

May naaninag naman akong lampara na nakasabit sa kisame. Tumayo ako sa upuan at pilit na inabot yun.

"Anong kinukuha mo?" tanong niya.

"l-lampara." sabi ko habang inaabot parin iyon. Pero nung nakuha ko na ay na-out balance ako at nadulas. Naramdaman ko nalang na nasalo ako ni Ethan at bumagsak kaming pareho sa lupa. Nanlaki ang mga mata ko nang may naramdaman akong mainit at malambot na labi sa labi ko. Naramdaman ko pa yung mabilis na tibok ng puso niya nang mailapat ko ang kamay kong nadikit sa dibdib niya. Kahit na madilim ay kitang-kita ko ang pagkislap ng kanyang mga mata.

Napabangon agad ako at napatakip nalang ng bibig.

"S-sorry." sabi ko. Tumayo siya at ngisi-ngising tinignan ako. Kagat-kagat niya yung ibabang labi niya habang tinititigan ako.

Kumalabog ang puso ko sa titig niyang iyon.

"Sorry talaga." sabi ko pa.

"O-okay lang." sabi niya at umiwas na siya ng tingin sa'kin. Nakita ko pang ginulo niya yung buhok niya.

Nagkaroon kami ng katahimikan.

Awkward.

Tumila na ang ulan, at may naaninag ako sa malayo na ilaw mula sa flashlight.

"Nandito sila!" rinig kong sigaw ng lalake nang matutukan na kami ng liwanag dito sa loob ng kubo.


Mabilis akong niyakap ni Kelly pagkabalik namin.

"Pinag alala mo ako." aniya habang yakap-yakap ako.

"Akala ko nilapa ka na ng leon." biro pa niya.

"Nakalimutan ko kase yung daan pabalik." sabi ko at sinulyapan ko si Ethan na nakatitig sa'kin.

"Janelle, are you okay?" alalang tanong ni Tyler at tumango naman ako.

Niyakap niya naman ako ng mahigpit, as in mahigpit talaga. Nahagip ng mga mata ko si Ethan na nakahalukipkip at inirapan ako.



Kinaumagahan, nagising ako at lumabas na ng tent na tinulugan namin. Lima kaming babae ang nagkasya sa tent. Abala ang lahat sa pagluto at pagaayos ng mga gamit. Sinabi naman ng teacher namin na aalis kami ng tanghali pabalik ng Maynila.

"Good Morning Janelle!" nakangiting bati ni Tyler at binati ko rin siya pabalik. Binigyan niya ako ng kape at tinanggap ko iyon.

"Salamat."

Hinanap ko naman si Kelly at nandun siya nagmumukmok sa may swing.

"Janelle!" tawag sa'kin ni Kelly at nilapitan ko naman siya.

"Good Morning Kelly!" parang napalundag ako sa gulat nang biglang sumulpot si Ethan.

Biglang sumagi sa isip ko ang nangyari kagabi. Yung halik. Sana nakalimutan niya na dahil hindi naman yata big deal sa kanya yun. Pero sakin, first kiss ko yun eh. Arrgh! bakit siya pa? pwede rin lang naman si Jarred o kaya si Tyler.

"Ethan, yung jacket mo pala, uhm lalabhan ko at isusuli ko sayo bukas." sabi ko.

"Wag na, akin na." aniya.

Kinuha ko naman agad yung jacket niya sa tent at binalik ko sa kanya.

"Salamat." sabi ko.

Sininghot niya naman ang jacket niya at napangiwi matapos itong maamoy.

"Ang baho, Haha!" biro niya.

"Wag kang lalayo dito, baka maligaw ka na naman Haha!" sabi ni Ethan sakin.


Nang tanghali na ay sumakay na kaming lahat sa bus.

"Nung nagtipon-tipon na kami, hinanap kita tapos doon na ako simulang kabahan." sabi ni kelly.

"Mabuti naman dahil nahanap ka ni Ethan." sabi pa niya.

Naalala ko na naman yung labi niya na lumapat sa bibig ko.

Pinilig ko nalang ang ulo ko.

Erase Erase.

"Hindi ko makakalimutan ang masasayang nangyari sa fieldtrip natin," sabi ni Ethan kay Kelly nang nasa school ground na kami.

"Bakit naman?" tanong ni Kelly.

"Syempre nakasama kita." ngiting sagot niya kay Kelly at lumingon sa'kin.

"Ah salamat ulit Ethan." sabi ko sa kanya.

"Welcome." aniya.

"Badtrip nga eh, na nakabonding ko si Janelle ng isang gabi sa gubat pa, pero nawala yung badtrip ko kase nakasama naman kita." baling niya kay Kelly.

"Tss! ewan ko sayo!" singhal ni Kelly.

"Ang sarap kaya sa feeling na masolo kita." ani Ethan.

Parang iba yung pumasok sa isip ko nang sinabi niya iyon.

"Hatid na kita Janelle." biglang dating ni Tyler.

"Ah eh s-sige." sabi ko at hinawakan niya na ang kamay ko. Para namang may kuryenteng dumaloy sa kamay ko.

"Mauna na kami." paalam ko sa kanila. Nakita ko naman ang seryosong mukha ni Ethan at tumango naman siya samin.




To be Continued....

Kung Tayo Man (Completed)Where stories live. Discover now