Kabanata 20

342 20 6
                                    


"Wow! Ang sipag mag aral ah!" biglang bungad ni Tyler. Nandito ako ngayon nakaupo sa bench sa ilalim ng puno.

"Vacant niyo rin?" tanong ko.

"Bawal kase ma late kaya di na ako pumasok, Haha!" sagot niya.

"Mag isa ka, asan si Kelly?" tanong niya.

"Ayun, Nagpapractice nanaman ng cheerdance." turo ko sa may gymnasium. Mag iintermission daw kase sila sa paparating na district game.

"Accounting 1 pala ang pinag aaralan mo, turuan kita." aniya.

Tumango naman ako. Mabuti na 'tong magpaturo para mabilis akong matuto.

Umupo naman siya sa tabi ko, at sinimulan na akong turuan. Kumalabog naman ang puso ko dahil sa magkalapit kami ng mukha, at amoy na amoy ko pa ang mabango niyang hininga. Paano ako nito matututo kung nadi-distract ako sakanya? Pinilit ko nalang ituon ang isip ko sa tinuturo niya. Ang galing niya naman sa math.

"Thank you, andami kung natutunan sa'yo." sabi ko nang matapos na niya akong turuan.

Ngumiti naman siya at pinisil ang ilong ko kaya napailag ako.

"You're welcome." aniya.

"Sana manood ka mamaya ng basketball, may tune up game kami." aniya.

"Sige, manonood ako." tugon ko. Naramdaman ko naman ang unti-unting pagpatak ng ulan kaya agad kaming tumayo. Sumilong na kami sa puno nang bumuhos na ang ulan. Hinubad naman ni tyler ang polo niya upang isukob namin patungong building. Para tuloy kinikilig ang mga babaeng nadadaanan namin sa corridor dahil kita ang muscles ni tyler dahil nakasando na lang siya.

Hinatid niya naman ako hanggang sa classroom namin sa second floor. Agad naman nagpaalam na si Tyler.

"Janelle, kayo na ba ni Tyler?" tanong ni Luisa na classmate ko.

"Hmm hindi!" iling ko.

"Bagay kayo, Hihi!" kinikilig na sabi ng isa ko pang classmate na babae.

"Diba nililigawan ka niya? Kailan mo siya sasagutin?" sabat naman ng isa. Mga usiserang 'to!

Muli namang nag sink in sa'kin ang narinig kong usapan nila ng ex niya sa may bar. Hindi ko naman maiwasang malungkot dahil mahal parin ni Tyler ang Ex nito.

"Mag aral na nga tayo." tugon ko sa kanila. Hindi ko na sila sinagot at naupo nalang ako.

Kinahapunan, dumiretso na kami ni Kelly sa gymnasium para manood ng tune up game nila Tyler sa basketball. Kalaban nila ang basketball team ng ibang school. Nakakabingi naman ang hiyawan pagpasok namin sa loob ng gym. Nagsisimula na pala ang laro. Wala ng bakanteng bleachers kaya nakatayo na lang kami habang nanonood ng laban. Natanaw ko naman si Tyler na pawis na pawis na agad at si Ethan naman na nakatingin na samin dahil kumaway itong si Kelly.

Pinasa agad ni Gino ang bola kay Ethan at agad naishoot ito ng 3 points.

"Kyaaaah! Ethan ang hot mo!" sigaw ng mga babae. Lumingon siya sa gawi namin kaya napayuko ako, at feeling ko sa'kin siya nakatingin.

Muli kong inangat ang aking tingin at hawak na ni Tyler ang bola. Hindi ko naman maiwasang magcheer sakanya.

"Go Tyler!" sigaw ko.

Naishoot niya naman ang bola ng 2 points kaya nakisabay ako sa hiyawan ng mga babae.

"Kyaaaah!"

Nakita ko naman si jarred na ka-teammate pala nila Tyler. Hawak na ni Jarred ang bola, at mabilis niyang naipasa kay Tyler at ipinasa naman kay Ethan.

Kung Tayo Man (Completed)Where stories live. Discover now