Kabanata 34

289 11 1
                                    


Pagkaalis ni Calvin, papasok na sana ako ng gate nang may kotseng huminto. Lumabas si Ethan, malalim ang kanyang mga mata habang tinititigan ako. Lumapit siya sa'kin at hahawakan sana ang kamay ko pero umiwas ako.

"Janelle, sorry." malungkot na sabi niya.

"Pumunta ako sa party ni Keanna para batiin lang sana siya, kaso pinainom niya ako ng isang basong wine, di ko na namalayan ang lahat, pinilit ko siyang ipaliwanag ang lahat, wala naman daw nangyari samin." paliwanag niya. Umiwas naman ako sa mga titig niya na parang nagmamakaawa.

"Hindi ko kayang saktan ka, alam mo yun." aniya.

Tumingala ako para pigilan ang luhang nangingilid sa'king mga mata.

"Hihintayin kita hanggang sa mapatawad mo 'ko, pero sana wag mo naman akong ipagpalit agad, ang sakit e." aniya sabay turo sa dibdib niya. Nakita ko ang paglandas ng luha niya sa kanyang mga mata at agad na pinunasan ito gamit ang braso niya. Umiiyak parin siya nang tinalikuran na ako. Sumakay na siya ng kotse niya at agad na pinatakbo.

Nagpakawala ako ng malalim na hininga para ilabas ang sama ng loob. Ang sikip-sikip ng dibdib ko. gusto kong umiyak pero pinipigilan ko ang sarili ko.

Hanggang sa pagtulog ko, inisip ko parin ang mga sinabi niya. Parang ang bigat parin ng pakiramdam ko.

Natapos ang buong araw ko na tutok lang ako sa pag aaral. iwinaglit ko muna lahat ng sakit na nararamdaman ko.

"Naka ilan ka?" tanong sa'kin ni calvin. Katatapos lang namin mag quiz.

"Uhm.. 26." sagot ko. In all fairness, naka 26 ako out of 30 items.

"Ikaw?" tanong ko pabalik.

"19 lang." aniya. Dumiretso kami sa tambayan ko lagi at doon naupo.

"Sayang naman ang pagback out mo sa music club." ani Calvin.

"Okay lang naman." sagot ko.

"Naghahanap ang sister ko na wedding singer sa kasal niya pwede ka ba?" tanong niya.

Napaisip naman ako sa alok niya.

"Sige na, ikaw nalang." pamimilit niya.

"Hmm... sige." sagot ko. Para naman may mapaglibangan ako.

Umihip ang hangin, at napuwing ako. Kinusot ko ang mga mata ko dahil sa pangingirot.

"Hihipan ko." rinig kong sabi ni Calvin. Agad niya namang hinihipan ang mata kong napuwing.

"Ano! masakit pa ba?" tanong niya.

"Hindi na, salamat." sagot ko.

"Kailan ang wedding?" tanong ko.

"Sa sunday, beach wedding." aniya.

Maya-maya lang ay naisipan ko ng umuwi dahil gumagabi na. Nagulat nalang ako nang nakasandal si Ethan sa kotse niya na naka crossed arms pa dito sa may parking lot.

"Ihatid na kita." anyaya sa'kin ni Calvin. Napalunok na lamang ako sa presensya ni Ethan.

"Ah sige." sagot ko kay Calvin.

"Pwede ba tayong mag usap?" ani Ethan. Nakalapit na pala siya sa'kin. Hindi pa ako nakakasagot sa kanya nang hinigit niya na ang braso ko at pinapasok sa kotse niya.

"Ano ba! ilabas mo nga ako!" asik ko. Umiigting ang panga niya nang paandarin na ang kotse.

"Hoy! Ibaba mo 'ko!" sigaw ko.

"Wow! Ang bilis mo naman," aniya habang tutok lang siya sa daan. Kumabog naman ang dibdib ko.

"Grabe! Ang bilis mong ipagpalit ako, Ano!" mariin niyang sabi.

Kung Tayo Man (Completed)Onde histórias criam vida. Descubra agora