Kabanata 8

404 63 9
                                    

"Good Morning, Kelly!" nakangiting bati ni Ethan habang kumakain kami dito sa Canteen.

"Good Morning." pabalik namang bati ng kaibigan ko.

Umupo siya sa tabi ni Kelly at saka sumulyap sakin at mabilis na kumindat.

Tsk! Pinagtitripan nanaman ako nito. Pinandilatan ko nalang siya at pinagpatuloy ko ang pagkain.

"Hi Janelle!" gulat akong napalingon saking likod.

"Uhm Hi!" nahihiyang bati ko. Umupo naman siya sa tabi ko.

"I Inviting you on my birthday." ani Tyler. Napaawang naman ang bibig ko sa biglaang pag imbita niya.

"Birthday mo ngayon?" tanong ko at tumango naman siya.

"Oh, happy Birthday!" masayang bati ko.

"See you later." aniya at bumalik na siya sa table nila.

"Invited din ba ako?" tanong ni Kelly.

"Of course." ani Ethan.

**

Nakasuot ako ngayon na simple lang na blue dress.

Sabi ni kelly ay susunduin daw siya ni Ethan sa bahay nila at dadaanan daw nila ako. Since na hindi ko naman alam ang bahay ni Tyler ay napilitan na lang akong sunduin nila dito.

Di nagtagal, dumating na ang sasakyan ni Ethan.

"Let's go Janelle." sabi ni Kelly nang bumukas ang windshield ng kotse. Sumakay na ako sa likod at ito'y pinaandar na.

"Ang baduy naman ng suot mo Janelle." halakhak ni Ethan at inirapan ko nalang siya. Kung alam ko lang sana ang bahay nila Tyler ay hindi na ako sumabay sa kanila tsk!

"Ang ganda kaya, mukha nga siyang model." sabat ni Kelly. Tinignan ko naman si Ethan mula sa rearview mirror na nakatingin sakin at tinaasan ko siya ng kilay.

Maya-maya, huminto kami sa isang malaking bahay sa loob ng subdivision. Bumaba na ako at pinasadahan ang bahay ni Tyler.

Wow, ang ganda!

Dinig namin ang lakas ng trance music sa loob. Unang pumasok si Ethan at sumunod naman kami ni Kelly. Ang daming tao sa loob ng dining area na mga ka-edad lang namin.

Sinalubong kami ni Tyler at binati namin siya. Nakapulang long sleeve siya na tinupi hanggang siko at blue jeans. Lalo siyang gumwapo sa suot niya.

Matapos naming kumain ni Kelly ay hinila niya naman ako patungo sa pool area. May mga sumasayaw habang hawak ang wine glass, may mga lobong nagsisiliparan at may Dj sa gilid na siyang nagpapatugtog ng nakakabinging trance music.

Sumabay nalang ako kay Kelly na sumayaw. Di nagtagal sumulpot samin si Ethan na sumasayaw din.

"Ang baduy mong sumayaw, Haha!" halakhak niya. Kahit na malakas ang music ay dinig ko ang sinabi niya.

Arrrgh! Nakakairita na talaga siya!

Tinalikuran ko na sila at dumiretso sa table dahil kung magtatagal pa ako dun ay baka masapak ko na ang mokong yun. Lagi niya nalang akong inaasar, wala naman akong ginagawang masama sakanya.

Nakakainis lang!

May lumapit na waiter habang nakatayo ako sa gilid at kinuha ko naman ang isang basong redwine sa hawak niyang tray.

"Hi Miss." gulat akong napalingon sa lalakeng sumulpot sa gilid ko.

Nginitian ko nalang siya at ininom ulit ang wine.

"I'm Miggy." pakilala niya.

"And you are?" tanong niya.

"Janelle." sabi ko.

Kung Tayo Man (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon