Kabanata 7

454 62 6
                                    


Sa sumunod na linggo..

"Okay class, we will go to the gym." utos ng PE teacher namin. Nakasuot kami ngayon ng white t-shirt at black jogging pants. Hinati kaming mga babae sa dalawang grupo para maglaro ng volleyball at ganun din sa mga lalake.

Hingal na hingal pa ako nang matapos na kami maglaro.

"Heto oh." abot ni Ethan ng towel kay Kelly.

"Thanks."

Wala ba 'tong klase? at nandito siya.

Nang dahil sa nakalimutan ko magdala ng towel ay kamay ko nalang ang ginamit kong pampunas saking leeg. Kita sa gilid ng aking mga mata na si Ethan ay marahang nakatingin pala sakin at umiwas naman agad siya ng tingin nang lingunin ko siya.

"Alam mo? kahit pagod ka, maganda ka parin." baling niya kay Kelly na nagpupunas ng pawis.

"Tss, nambola ka pa." singhal ni Kelly.

"Di tulad ng iba dyan." sabi ni Ethan sabay lingon sakin.

Aba't! Natuto na siyang asarin ako ah.

"Magpapractice ako mamaya ng archery, sana manood ka at tuturuan kita." ani Ethan.

"Sige." sagot ni Kelly.

Kinahapunan, pagkatapos ng klase namin ay nagpasama naman si Kelly papuntang soccer field. Kailangan ba talaga na kasama ako lagi sa bonding moment nila ni Ethan?

Naaninag ko naman agad si Ethan na may hawak na bow and arrow.

Mukhang nagmayabang pa ang mokong nang maisentro niya ang arrow sa gitna ng dart.

Ginalingan.

"Hi Ms. Beautiful!" nakangiting bati niya kay Kelly.

"Ikaw talaga." nahihiyang sabi ni Kelly.

Well, OP na naman ako dito. kaya luminga-linga nalang ako sa paligid nitong field. Maraming babae ang nakatingin sa kanila na parang naiinggit.

Pagbalik ng tingin ko sa kanila ay tinuturuan na pala si Kelly ng archery.

"Magaling ka na agad." manghang sabi ni Ethan kay Kelly matapos tumama ang arrow malapit sa bull's eye.

"Janelle halika, try mo." anyaya ni Kelly at napilitan naman akong lumapit sa kanila.

Gustong-gusto ko talaga matuto nitong sport.

"Ganito." turo sakin ni Ethan at tumalikod siya sakin para igiya niya ang tamang paghawak.

Hinawakan niya ang kamay ko na nakahawak sa bow and arrow. Bahagyang napalingon pa ako sa kanya dahil halos magkadikit na kami ng katawan at kumindat siya. Ay, hindi pala, pinikit niya lang ang kaliwang mata niya at kumagat labi. Parang nailang naman ako, ganito ba siya kung pumana?

"Ipikit mo ang isa mong mata para makapagfocus ka sa center." utos niya at sinunod ko naman.

"And then bitaw." utos niya at binitiwan ko na ang string. Lumihis naman ang arrow sa dart at ito'y tumama sa pader. Haist!

"Ay, sablay." dismayang sabi ko.

"Okay lang." aniya sabay kindat na naman. Inirapan ko nalang siya.

Pinagtitripan yata ako nito eh.

"Asan sila Gino at Tyler?" biglang tanong ni Kelly.

"Nasa bar na siguro." ani Ethan.

"Ah, ang aga naman." sabi ni Kelly.

Alas-singko palang, gimik na agad.

"Hatid na kita Kelly." yaya ni Ethan.

"Pupunta pa kami ng bookstore eh, may bibilhin." sagot ni Kelly.

"Edi samahan na kita." sabi ni Ethan.

Kaya naman, napilitan nalang si Kelly na magpahatid kay Ethan papuntang mall at kasama ako.
Agad naman kaming naghanap sa bookshelves ng project naming libro pagkarating namin sa national bookstore.

Napansin ko na naman ang paninitig ni Ethan sakin habang ako'y naghahanap ng libro dito sa may bookshelves. Tinaasan ko naman siya ng kilay at inirapan niya naman ako.

"Kain muna tayo, my treat." ani Ethan nang makabili na kami.

"Okay." masayang sabi ni Kelly.

"Ah mauna na ako." sabi ko sa kanila at nagpauna na sa lakad palabas.

"Sumama ka na muna samin." sabi ni Kelly sabay higit sa mga kamay ko papuntang Mcdo.

Nakakahiya, date ata nila 'to.

Diretsong umorder naman si Ethan at kami naman ay naupo.

"Ano, may gusto ka na ba sa kanya?" tanong ko kay Kelly.

Umiling naman siya.

Kawawa naman pala si Ethan kung aasa siya.

Maya-maya pa ay dumating na si Ethan dala ang mga inorder niyang pagkain. katabi niya si Kelly at ako ang kaharap nila.

"Kain na tayo." sabi ni Ethan at nagsimula na kaming kumain.

Tahimik lang akong kumain samantalang silang dalawa ay nagki-kwentuhan.

Nag-cr naman si Kelly at napansin kong nakatingin pala sakin si Ethan habang kumakain ako.

"Nanliligaw na ba sayo si Tyler?" tanong niya.

"Hindi, friends lang kami." sagot ko habang ngumunguya ng pagkain. Parang may kirot na nagdaan sa puso ko nang sabihin 'yun.

"Di naman kase kayo bagay, Haha!" halakhak niya at napangiwi nalang ako.

Aba't, sumusobra na siya ah.

"Siya gwapo, ikaw psh," singhal niya.

Ang harsh niya, grabe. Parang umakyat ang dugo ko sa mukha ko.

"Kayo rin ni Kelly, di kayo bagay." pang aasar ko rin.

"Anong hindi? match made in heaven nga kami eh." giit niya at tinaasan ko nalang siya ng kilay. Bumalik narin si Kelly.

Nang matapos na kaming kumain ay hinatid na si Kelly sa village nila at kaming dalawa nalang ni Ethan ang magkasama.

"dito nalang ako." sabi ko.

"Ihatid na kita sainyo." aniya at niliko niya patungo sa subdivision namin.

"Salamat." sabi ko nang makarating na kami ng bahay at bumaba na ako ng passenger seat.

"Ingat." sabi ko at tumango naman siya. Kumindat siya sakin bago paandarin ang sasakyan.

Mannerism niya yatang kumindat sa babae, Tsk!


***

Kung Tayo Man (Completed)Where stories live. Discover now