Kabanata 35

301 10 1
                                    




"Sorry, late na ba tayo?" tanong ko kay Calvin na kanina pa naghihintay sa labas ng bahay namin.

"Hindi naman." sagot niya at pinagbuksan na ako sa front seat. Agad naman akong pumasok ng kotse niya.

Makalipas ang mahigit dalawang oras naming biyahe ay narating na namin ang Baler. Tanaw ko na ang napakalawak na dagat at maputing buhangin. Bumaba na kami sa isang private resort at dumiretso na sa isang beach house. Sa lobby, may mga babaeng nakasuot na ng blue cocktail dress at ang mga lalake naman ay mga nakasuot ng black tux. Nagmadali narin akong magsuot ng simpleng blue dress at ni make up-an ako ng makeup artist nila.

"Wow! You're so adorable!" manghang sabi ni Calvin pagkalabas ko ng guest room. Parang naconcious ako.

"Ikaw rin, ang cute mo." pabalik kong sabi. He's wearing black tux with matching blue bowtie.

"Tsk! I'm not cute, I'm handsome." giit niya.

"Magsisimula na ba?" tanong ko.

Tumango naman siya. "Yup, let's go." at hinigit na ako palabas ng beach house. Pagkalabas namin ay dumiretso na kami sa may tabing dagat kung saan ang kasal. Sky blue and white ang motif ng kasal. Puno ng asul na rosas ang gilid ng aisle. Pumunta na ako sa unahan sa tabi ng mag v-violin. Di nagtagal ay nagsimula na ang wedding ceremony.

Sinenyasan naman ako ng organizer na magready ng kumanta. Tumikhim muna ako bago magsimulang umawit.

"You're the one that never lets me sleep. Through my mind, down to my soul you touch my lips

Isa-isa nang naglakad sa aisle ang mga wedding entourages.

You're the one that I can't wait to see, with you here by my side I'm in ecstasy, I am all alone without you

Natanaw ko na ang bride na dahan-dahang naglalakad. Kahit natatakpan ang kanyang mukha ng belo ay nakikita kong umiiyak siya sa tuwa na mapapakasalan niya na ang lalaking mahal niya.

My days are dark without the glimpse of you But now that you came into my life I feel complete, The flowers bloom, my morning shines And I can see...

Mula sa malayo ay natanaw ko ang pamilyar na mukha. Nakatitig lang siya sa'kin.

Your love is like the sun, That lights up my whole world I feel the warmth inside,

Your love is like the river, That flows down through my veins, I feel the chill inside

Buti naman natapos ko ang kanta kahit na nadistract ako sa mga titig ni Ethan sa malayo. Anong ginagawa niya dito? Paano niya nalaman na nandito ako?

Nagsimula na ang wedding vow at hindi ko maiwasang mainggit sa ikinakasal. Medyo singkit ang bride at gwapo ang groom. Bakas sa kanilang mukha ang excitement at naiiyak sila habang nagpapalitan ng I do. Everyone clap there hands nang matapos na ang seremonya. Napasulyap ako kay Ethan na nanonood ng kasal malapit na siya dito at pumapalakpak na din.

Napalingon siya sa'kin at biglang kumindat. Inirapan ko nalang siya at lumapit na kay Calvin.

"Ang galing mo talaga, ang ganda ng boses mo." aniya.

"Thanks." nakangiting tugon ko.


Nang nasa reception na kami ay pinakilala ako ni Calvin sa mga magulang niya bilang kaibigan. Nag uusap sila gamit ang lengwaheng mandarin kaya hindi ko maintindihan ang pinaguusapan nila. Hawig ni Calvin ang Mama niya na singkit ang mga mata at maputi, at ang papa niya naman ay isang Pilipino na kahawig naman nung kinasal na bride na si Stella.

Luminga-linga ako sa paligid kung nasaan ang hinayupak na si Ethan. Nasundan niya pala kami, ang galing niya ah. Akala niya yata mapapatawad ko pa siya.

"Later, magsurfing tayo." anyaya ni Calvin at tumango naman ako. Buti nalang may dala akong rash guard alam ko kasing magsi-swimming kami. Luminga-linga ulit ako sa paligid. Hmm baka naman umuwi na.

Kinahapunan, malakas ang alon sa pag swimming namin ni Calvin. Nag jetski pa kami and then tinuruan niya naman ako mag surfing.

Pinagmasdan ko ang paglubog ng araw. Nakaupo ako dito sa dalampasigan. Di ko parin maiwasan ang malungkot. Parang may kumukurot sa puso ko sa tuwing naaalala si Ethan. Napabuntong hininga na lamang ako.

Dumating si Calvin na may dalang buko juice at inabot sa'kin ang isa. Umupo naman siya sa tabi ko.

"You look sad-"

Nagulat nalang ako nang biglang sumulpot si Ethan sa tabi ko. Sa right side ko at si Calvin naman sa left side ko.

"Anong ginagawa mo dito?" takang tanong ko kay Ethan at lumayo sa tabi niya.

"Sinundan ka." sagot niya.

Bahagyang tinulak ko siya dahil dumikit siya sakin.

"Di pa ba tapos ang date niyo?" Malamig niyang sinabi.

"Hindi pa." sagot ko sabay irap sakanya.

"Calvin, alis na tayo." Tumayo na ako at hinigit na si Calvin.

"Uuwi na tayo?" tanong niya at tumango naman ako.

Lumingon ako kay Ethan. Nakaupo lang siya habang pinagmamasdan ang paglubog ng araw.

"Di mo na ba siya bibigyan ng chance?" tanong ni Calvin.

Hindi ko alam ang sasagutin ko. Parang sumikip bigla ang dibdib ko sa tanong niya.

Umiling ako. "Hindi na, walang second chance."

Pumasok na kami ng beach house at nag ayos na ako.

Sa paglabas ko ng beach house muli akong lumingon kay Ethan na nasa dalampasigan. Nandoon parin siya nakaupo habang nakatingin sa dagat.

Sumakay na kami ng kotse ni Calvin.

"Di mo ba siya kakaus--"

"Hindi sabi!" mariin kong sagot.

Tumango naman siya at pinaandar niya na ang kotse niya.

"Paano niya kaya tayo nasundan?" takang tanong ko.

"Tinanong niya ako kahapon kung saan tayo pupunta." ani Calvin.

"Ano? ba't sinabi mo." asik ko.

"Nakakaawa naman, kaya sinabi ko." aniya.

Hanggang ngayon galit parin ako sa kanya at hindi ko alam kung kailan ito huhupa.






To be continued.....

Kung Tayo Man (Completed)Where stories live. Discover now