Kabanata 3

681 69 12
                                    

"Nakita mo na siya." ngiting sabi ng matanda matapos kilatisin ang guhit ng palad ni Ethan.

"Talaga po? Maganda po ba siya? Sexy?" tanong niya at tumango naman ang matanda.

"Ikaw naman ineng, huhulahan kita." baling niya sa'kin. Napilitan naman akong ipakita sakanya ang mga palad ko. Hindi naman talaga ako naniniwala sa mga hula-hula.

"Nakita mo narin siya." ngiting sabi niya matapos tingnan ang guhit ng aking palad.

"Ibig niyo pong sabihin ay nakita ko na ang true love ko?" tanong ko at tumango naman siya.

Sana nga si Tyler ang tinutukoy niya.

Di nagtagal may kotseng huminto sa tapat namin.

"Tara na." aya sa'kin ni Ethan at nagpaalam naman kami sa matanda.

Nahihiya pa akong pumasok ng kotse niya na ubod ng bango. Tumabi naman siya sa'kin dito sa sa backseat.

"Kamusta Sir ang date niyo?" tanong ng driver nang makaalis na kami.

"Hindi dumating ang ka-date ko." sagot ni Ethan.

Bahagya pang napasulyap sa'kin ang driver mula sa rearview mirror.

"Ah akala ko kase siya." tukoy niya sa'kin.

"Kaibigan po ako ng ka-date niya." sagot ko naman at tumango naman siya.

"Salamat." sabi ko nang maihatid niya na ako sa bahay.

"Salamat din." aniya at umalis na sila.

Pagkapasok ko ng bahay ay naabutan ko si mama na mugto ang mga mata. Mukhang galing sa pag iyak dahil kay papa, siguro.

"Kumain ka na." sabi niya.

"Magbibihis lang po ako." tugon ko at umakyat na ako sa kwarto.

Kinabukasan..

"Janelle!" Salubong sa'kin ni Kelly dito sa corridor.

"Kamusta ang daddy mo?" tanong ko.

"Nasa bahay na siya." sagot niya.

"May naalala pala ako, yung secret admirer ko pala." aniya.

Hmm.. Kung sabihin ko na kaya sa kanya, baka kase magalit siya kapag nilihim ko pa sakanya.

"Kilala ko ang secret admirer mo." sambit ko.

"Kilala mo? eh Sino?" takang tanong niya at tumango naman ako.

Okay, ayaw ko ng ilihim 'to.

"S-si E-ethan." nauutal kong sagot.

"What? Yung pinsan ni Tyler?" gulat niyang tanong at tumango ako.

Sakto namang naaninag ko na si Ethan na papalapit samin.

"Ikaw?" baling niya kay Ethan nang makalapit na. Napatingin pa siya sa'kin na mukhang nagtatanong kung bakit ko sinabi

"Sorry.." Nag peace sign ako.

"Ah a-anong ako." tanong naman niya.

"Ikaw ang secret admirer ko?"

Napakamot naman sa batok si Ethan. "Y-yeah!" nahihiyang tugon niya.

"Ah ikaw pala, sorry ah di ako nakapunta." si Kelly.

"Okay lang, sinabi niya na." baling niya sa'kin. Mukhang nagkaroon naman ng ilangan ang dalawa.

"Ah eh malelate na tayo Janelle, tara." anyaya niya sa'kin at hinigit na ako papuntang classroom. Sakto naman na nakasalubong namin ang Math teacher.

Kung Tayo Man (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon