Kabanata 40

408 14 22
                                    


Huling kabanata

Humikab ako dahil inaantok pa ako sa first subject. Parang ang sikip parin ng dibdib ko. Isang linggo na yung nakalipas mula nang mag usap kami ni Ethan at di ko parin makalimutan ang mga sinabi niya ng gabing yon. Nakakainis talaga, imbes na nakamove on na ako saka naman siya magpaparamdam.

Sa pangalawang subject ko na marketing laking gulat ko nang makita si Ethan na pumasok dito sa block namin. Parang bumigat bigla ang dibdib ko. Anong ginagawa niya rito? Laglag panga naman ang mga babae sa kanya nang makita ang gwapo niyang pagmumukha ah este makapal niyang mukha. Umupo siya sa likuran ko at never akong tinapunan ng tingin. Naramdaman ko nalang na sinundot ako ni Calvin sa'king tagiliran at tinaasan ko siya ng kilay.

"Transferee ka ba kuya?" tanong ng classmate kong babae.

"Yup!" rinig ko namang sagot niya.

"Naaalala kita, ikaw yung block mate ko nung first sem." rinig kong sabi ni Jessy.

Hays, ba't dito siya nag aaral? Arrgh, nakakairita ang pagmumukha niya.

Natapos ang isang oras ng klase na parang wala akong natutunan. Buong atensyon ko kase ay nasa likuran ko. Pakiramdam ko tinititigan niya ako sa'king likuran.

Narinig ko naman na kinakausap siya nung mga classmate kong babae na halatang kinikilig. Oh ayan, may bago na naman siyang lalandiin. Magpapalandi na naman.

Hinigit ko nalang basta si Calvin palabas ng silid papuntang canteen.

Tahimik lang si Calvin habang kumakain kami sa canteen pero yung mga tingin niya parang nanunuya.

Tinaasan ko nalang siya ng kilay. "Isa pa Calvin, mabibigwasan na kita, tsk!"

"To naman, kinikilig kase ako sainyo." aniya at hinampas ko naman siya sa braso. Ano naman kaya ang nakakakilig? Ni hindi nga kami nagpapansinan.

"Haha, magbati na kase kayo." aniya.

"Ano, friendship over?" tanong ko. Natahimik nalang siya at nagpatuloy sa pagkain.

Nang matapos na kaming kumain, dumiretso muna ako sa locker para kuhanin ang libro sa management. Nanlaki ang mga mata ko nang may isang pulang rosas ang nakasabit sa locker ko.

'From your secret admirer:)' Yan ang naka tag sa bulaklak.

Sino naman kaya 'tong secret admirer ko? Mabuti narin to para matauhan na si Ethan na meron na akong admirer.

--

"May chocolate ka nanaman." ani Calvin nang makita namin sa armchair ko ang isang box ng chocolate. Isang linggo na ang nakalipas na lagi akong pinadadalhan ng secret admirer ko ng bulaklak o kaya naman chocolates. Minsan naisip ko na galing kay Ethan ito pero imposible naman yata, dahil isang araw nagulat ako nang tinanong niya ako dito sa classroom.

"Mukhang may bago kang manliligaw ah." bulong niya sa'king likuran. Naamoy ko naman ang bango ng hininga niya.

"Oo eh, magkikita na nga kami." Kunwari naman akong kinikilig sa sinasabi ko. Inaamoy ko yung red rose.

"Tss!" Narinig ko naman siyang napasinghal.

"Sasagutin mo ba siya?" rinig kong tanong niya.

"Oo, pakealam mo ba."

"Mas pogi ako." aniya.

Ang kapal.

--

Natapos ang buong linggo na ganun lang ang scenario, binubulungan o kaya naman pinariringgan.

"May girlfriend ka na ba?" rinig kong tanong ni Sofia, na sossy girl dito samin.

Kung Tayo Man (Completed)Where stories live. Discover now