Kabanata 37

278 11 4
                                    


Time flies so fast. Makalipas ang mahigit dalawang taon, ngayon ay fourth year college na ako. Isang taon nalang gagraduate na sa wakas.

Mabilis kong pinarada ang kotse sa parking lot. Meron na akong kotse na binigay sa'kin ni Mama last month.

Bumaba na ako at nagmadaling pumasok ng campus dahil late na ako. Pagkarating ko sa classroom, thanks God dahil wala pa pala ang instructor namin. Tumabi naman ako kay Calvin na nasa dulo.

"Hi morning!" bati ko at tumango naman siya.

Minsan napagkakamalan kami ng mga kaklase namin na meron kaming relasyon. Well, He's my bestfriend. Di pa nga yata nakakapagmove on sa ex girlfriend niya e.

Kinahapunan, tinext naman ako ni Kelly na magkita daw kami sa labas ng mall.

May mga nanligaw naman kay Kelly pero di niya sinagot dahil naka reserba na daw talaga sa puso niya si Gino. Natatandaan ko dati na may iba siyang kinahumalingang lalake pero inamin niya sakin na si Gino parin talaga. Stick to one talaga ng Bestfriend ko.

"Ikakasal na pala si Paulo." ani Kelly.

"Diba di pa siya graduate?" takang tanong ko.

"Nakabuntis kase kaya ayun ikakasal." aniya.

"And then, invited tayo sa kasal." aniya sabay abot ng invitation card.

"Hala! invited ako?" takang tanong ko.

"Yeah, you should be there, patalbugan nalang tayo ng blue cocktail dress, Haha!"

Hindi ko naman maiwasang kabahan.

Ba't ba ako kinakabahan?

"My God excited na ako, makikita ko si The one." kinikilig niyang sabi.

"Eh paano kung may girlfriend siya?" tanong ko at agad naman siyang umiling.

"Inistalk ko siya sa Fb wala siyang gf ngayon." aniya.

"Stalker ka na pala ngayon, Haha!" sambit ko.



Ilang araw ang nagdaan at heto ako ngayon, light ang makeup at nakasuot na ng blue cocktail dress. Sinundo naman ako ni Kelly sa bahay. Naka blue cocktail dress din siya.

Nang makarating na kami ng simbahan, ewan ko ba bigla nalang akong kinabahan para bang may nakadagan na bato sa dibdib ko.

"Buti nakarating kayo, salamat." nakangiting sabi ni Paulo. Nakasuot siya ng black tux. Lalo siyang gumwapo.

"Asan sila Gino?" tanong naman agad ni Kelly.

"Wala pa." sagot niya.

Pumasok na kami ng simbahan at umupo malapit sa may aisle.

Hindi ko naman maiwasang mamangha sa disenyo nitong simbahan. White and blue ang motif at pinapaligiran ng asul na bulaklak. Kapag kinasal naman ako, ang gusto kong motif ng kasal ko ay blue and silver.

Pinilig ko nalang ulo ko. Wala ngang boyfriend, kasal agad ang iniisip.

Di nagtagal ay nasilayan ko na na papasok dito sa simbahan si Tyler at Gino.

"Nandyan na siya." siniko ako ni Kelly.

Nanatiling nakatingin ako sa kanila. Nakablack tuxedo sila. Kumaway naman 'tong si Kelly at napalingon dito si Tyler.

"Hi Janelle!" nakangiting bati ni Tyler at binati ko rin siya.

"Hi!"

Bumaling naman ako kay Kelly. Nakangiti lang siya at halatang nagpapacute kay Gino with matching flip pa ng hair.

Kung Tayo Man (Completed)Where stories live. Discover now