Kabanata 18

314 20 4
                                    


"Janelle, gusto kita," seryosong sabi niya. Bahagya naman nanlaki ang mga mata ko.

"Huh? G-gusto mo kong... ihatid?" tanong ko.

"I'm Inlove with you!" aniya.

Natigilan ako. Hindi ko alam ang irereact ko. Inintay kong ngumiti siya at sabihing joke lang ang pinagsasabi niya pero seryoso talaga ang mukha niya na nakatitig sa'kin. Bigla naman akong natawa ng pilit.

"Hahaha!" tawa ko habang nakahawak ako sa tiyan ko.

"Nakakatawa ang joke mo, Haha! Havey na havey!" sabi ko pa.

Napatigil ako sa pagtawa nang nakatitig lang siya sa'kin.

"Lasing ka lang." sabi ko.

"Hindi ako nagbibiro." seryosong tugon niya.

"Huh?!" napalunok nalang ako. Napaiwas agad ako ng tingin. Pakiramdam ko kasi para akong malulusaw sa mga titig niya.

"Baka nagagandahan ka lang sa'kin kaya mo ako nagustuhan, o ngayon sabihin mo na, na makapal ang mukha ko." sabi ko.

"Maganda ka kaya! nainlove ang poging tulad ko sa'yo" sabi niya.

"Huh?! Paano ka naman magkakagusto sa'kin? eh lagi mo nga akong inaasar na pangit tapos...tapos sasabihin mong may gusto ka sa'kin, tsk, imposible!" sabi ko habang umiiwas ako ng tingin sakanya.

"Tinamaan ako sayo!" sagot niya. Feeling ko tuloy naiilang na ako. Ano bang pinagsasabi niya? Di ako sanay. Sanay ako na inaasar niya ako lagi pag kasama ako.

"D-diba si kelly ang gusto mo?" nagtataka kong tanong.

"Noon yun pero ngayon hindi ko alam, nagising nalang ako na, na...g-gusto kita, na inlove na ako sa'yo." seryoso niyang sagot.

What the!

Naalala ko naman lahat ng pangaasar niya sa'kin.

'Yucks, hinding-hindi ako magkakagusto sa'yo ang kapal mo! Eeww!'

'Pangit na nga ng araw ko dinagdagan mo pa!'

'Tsk mga walang taste sa babae!'

'Ang pangit mo!'

"Hindi ko makalimutan yung aksidenteng halikan natin sa kubo." sabi niya.

Pinanlakihan ko naman siya ng mata. Naalala ko pa noon ang sinabi niya.

"At ako yung yumakap sayo nung birthday ko." ngiting sabi pa niya.

Nanlaki nanaman ang mga mata ko. Mapagkakamalan na talaga ako nitong tarsier. Siya yung yumakap sa'kin Naalala ko naman yung pabango niya na pareho dun sa yumakap sa'kin.

'Ikaw, may yumakap ba sayo? parang wala Haha! Baka nabahuan sayo Haha!'

"I-ikaw ang yumakap sa'kin? yung hug and kisses in black?" hindi ko makapaniwalang tanong.

Nakangiti naman siyang tumango.

"Feeling ko yun na ang the best birthday gift ko, Haha!" natatawang sabi niya.

'What the f!

"At yung kanta ko naman nung birthday ko at ni Tyler ay para sayo yun.

Nakanganga lang ako sa pakikinig sakanya. Para na akong lumulutang sa ere.

"Wala ka manlang bang sasabihin?" tanong niya.

"I-Imposible naman yang p-pinagsasabi mo." sabi ko.

"Hindi ka parin ba naniniwala?" tanong niya.

"B-Baka ginogoodtime mo lang ako noh!" sabi ko pa.

"Hindi kita niloloko." ngiting sabi niya.

Kung Tayo Man (Completed)Onde histórias criam vida. Descubra agora