Kabanata 4

552 66 14
                                    

"Janelle!" tawag ni Kelly sakin nang papasok na ako sa gate.

"Ano ka ba? kanina pa ako tawag ng tawag dun." sabi niya sabay turo sa parking lot.

"Ano, kumusta yung date?" kinikilig niyang tanong. Napasinghap naman ako.

"Hindi siya nakarating." sagot ko.

"What?" gulat niyang tanong.

"Kase, emergency." paliwanag ko at napatango naman siya.

"Hehe, same situation kayo ni Ethan." aniya.

"Kaya nga, nagulat ako na instead si Tyler ang dumating, eh si Ethan ang nakarating para i-inform ako." sagot ko.

"Para sayo daw." sabi ng lalake sabay bigay ng redrose kay Kelly. Kaya ang lola niyo, gulat na gulat. Lumaki bigla ang mga mata.

"Kanino to? Hoy!" Tawag niya dun sa lalakeng nagbigay ng bulaklak hanggang sa sunod-sunod na ang nagbibigay ng redrose kay Kelly dito sa hallway.

"Kanino naman kaya 'to galing? baka nagkakamali lang sila ng napagbibigyan." taka niyang sabi.

Hmm... parang na i-smell ko kung sino ang nagpapabigay ng bulaklak ah.

"Ang swerte naman niya."

"Oo nga."

Rinig kong bulong-bulongan dito sa hallway.

Hanggang sa naaninag na nga namin ang admirer ni Kelly.

Nakangiti siya ng matamis palapit samin.

"Hi! Good Morning." bati ni Ethan kay Kelly sabay kindat.

Napaawang nalang ng bibig si Kelly habang pinagmamasdan ang nagpapacute sa kanyang si Ethan.

"Ah eh uhm.. Hi!" nahihiyang tugon naman niya.

"Can I court you?" nakangiting tanong ni Ethan.

Kriiiiiiing! kriiiiiiing!

"Uh Yes, t-tara na Janelle! late na tayo, s-sige bye." sabi ni Kelly sabay hila sakin patungong classroom.

Napasulyap pa ako sa aking likod na tuwang-tuwa ang mokong sa pagpapayag ni Kelly na ligawan siya.

"Pumayag ka na ligawan ka niya?" tanong ko pagpasok namin ng silid.

"Oo, di mo ba narinig? Ang sabi ko yes." aniya.

"Baka paasahin mo lang yung tao, diba sabi mo di mo siya type?" tanong ko.

"Oo, pero bigyan ko na siya ng chance, malay mo? Mafall ako sakanya kase pogi naman siya." aniya.

Di nagtagal ay dumating na ang english teacher namin at nagsimula ng maglecture.


**


"Alam mo ba na tinanong siya na kung pwede daw syang ligawan?"

"Talaga?"

"Bagay sila..."

Rinig kong usap-usapan pagkapasok namin ng canteen.

"Narinig mo ba yun?" tanong ko kay Kelly pagkapila namin at nahihiya naman siyang tumango.

Pagkaorder namin ay saktong pumasok naman sila Ethan pero wala si Tyler.

"Nahihiya ako." aniya pagkaupo namin.

"Masanay ka na." sambit ko.

"Hi girls, Hi Kelly" nakangiting bati samin ni Ethan.

"Can I seat?" tanong niya at tumango naman si Kelly. Tumabi naman si Ethan sa tabi ni Kelly at nagkahiyaan pa ang mga tingin nila.

Kung Tayo Man (Completed)Where stories live. Discover now