Kabanata 38

338 10 6
                                    



"Woah! Seriously? sinasagot mo na siya?" rinig kong tanong ni Gino. Kumain nalang ako at pinakitang wala akong pake. E ano naman kung sila na.

"Yup," sagot nung Isabel.

"Really?! tayo na?" rinig kong tanong ni Ethan.

Napuno ng kantyawan ang mga taong nasa paligid ko siguro tumango si Isabel samantalang kami ni Kelly ay tahimik lang na kumakain. Edi wow! So what kung sila na, as if i care!

"Janelle, gusto mo nito?" Lumingon ako kay Tyler at inaabot sa'kin ang chocolate cake na nasa platito. Tinanggap ko naman ito.

"Thanks."

"Janelle, sasagutin mo narin ba ako?" Nagulat nalang ako sa tanong ni Tyler at nakita kong nasa amin na ang atensyon nilang lahat pwera lang kay Ethan na nakatingin lang sa pagkain niya. Mahigit dalawang taon na, hindi pa ba 'to nagkakagirlfriend? O nagkabalikan sila ng ex niya?

"Oo, sinasagot na kita," natatawang sagot ko at nanlaki naman ang mga mata ni Tyler.

"Really!?" takang tanong niya.

"Sinasagot na kita ng hindi, Haha!" natawa ako sa sagot ko at natawa narin sila Paulo.

"Asa ka pala Tyler, Haha!" halakhak ni Gino.

Sa hindi inaasahan, pag angat ng aking paningin ay nagtama ang mga mata namin ni Ethan. Agad naman akong napaiwas ng tingin at binalingan si Tyler.

"Ang sarap nito." tukoy ko sa chocolate cake.

"Tss.. akala ko pa naman ako ang masarap." panunuya sa'kin ni Tyler.

Hinampas ko naman siya.

"Aray! joke lang." aniya.

"Bagay kayo, ayiiieh!!" Napalingon ako kay Isabel na sobrang malumanay ng boses na samin pala ang atensyon.

"Marami talaga ang nagsasabing bagay kami kaso di naman ako sinasagot." sabi ni Tyler at napangiwi naman ako.

"Iba ang sinagot, Haha!" Naaawkward na talaga ako kanina pa. Huminga nalang ako ng malalim. Tss.. ewan ko ba, parang ang bigat-bigat ng dibdib ko. Parang hindi pa nakakaalis ang nakadagan na mabigat na bagay.

"Excuse us, cr lang kami." Hinigit naman ako ni Kelly. Buti naman.

"Tsk, di naman tinatanong ang babaeng yon!" sabi ni Kelly habang nagsasalamin at naglalagay ng lipstick dito sa cr.

"So what kung sila na." giit ko.

"Halatang bitter ka, Bes." aniya.

"Huh! hindi ah, kahit pa magpakasal sila wala akong pakealam." mariin kong sabi. Totoo naman ah, wala ng kami kaya dapat never akong mag aasume na maging kami ulit dahil malabo na yun. Dun na siya sa bago niyang baby girl, tss!

Binigyan niya naman ako ng seriously look.

"Alam mo kanina pa ako kinikilig sa katabi ko, Hihi!" pag iba niya ng topic.

"Sabihin mo na kaya ang totoo mong nararamdaman kay Gino." suhestyon ko.

"Hii...nahihiya ako." aniya.

Inilingan ko nalang siya. "Edi umuwi na tayo." anyaya ko.

"Kanina ko pa gustong umuwi." sabi ko at hinigit na siya palabas ng cr.

Nagpaalam na kami kina Tyler pagkabalik namin ng table.

"Hatid ko na kayo." anyaya ni Tyler.

"Ah wag na, tinawagan ko na yung driver namin." tanggi ni Kelly.

Kung Tayo Man (Completed)Where stories live. Discover now