Epilogue

596 14 4
                                    

Ethan's POV

Tinitigan ko ang mukha ni Kelly matapos ko siyang makuhanan ng litrato.

Tsk! Ang ganda-ganda niya talaga, mukha siyang anghel na bumaba sa lupa. Pero bigla akong napatawa nang mahagip sa picture ang kaibigan niya na nangungulangot.

Bago ako matulog tinignan ko ang stolen picture ni Kelly pero di ko talaga maiwasang mapatawa dahil sa kaibigan niyang nangungulangot.

"Aha! Ikaw pala." Napatalon ako sa gulat nang nahuli ako ni Kulangot girl sa may locker room na isinisiksik ko ang love letter ko para kay Kelly.

"Okay, di ko sasabihin." sagot niya nang kinumbinsi kong wag niyang sabihin sa kaibigan niya.

Nang matapos ako magpractice ng archery, nilapitan ko naman si kulangot girl na nakaupo sa gilid ng soccer field na nanonood ng practice ni Kelly sa cheerdance.
Pagkatapos ko siyang paulanan ng tanong tungkol kay Kelly, pinakita ko sakanya ang picture ni Kelly na stolen shot.

"I-delete mo 'yan!" utos niya pero napatawa na lamang ako.

"Edi sabihin mo kay kelly, pero ipopost ko 'to sa Facebook." natatawang giit ko.

Napatawa na lamang ako dahil busangot ang mukha niya.

Nanlaki ang mga mata ko nang si kulangot girl ang sumipot sa tagpuan namin ni Kelly dito sa park. At sinabi niyang emergency si Kelly.

Nagulat din siya, nang ako ang sumipot sa date nila ni Tyler. Binilin kase sa'kin ni Tyler na sabihin ko kay Janelle na emergency siya.

Natanaw ko si Janelle sa stage, kasali pala siya sa Miss. Campus. Maganda naman pala ang babaeng 'to. Suplada nga lang, siguro walang nagkakagusto sakanyang lalake dahil ang sungit niya.

Wow! Nagpaganda siya sa acquaintance party. Sinayaw ko siya dahil gusto ko siyang asarin, at tuwang-tuwa naman akong makita siyang iritado sa'kin. Ang cute niya kapag nakikita kong naiirita siya, haha!

Habang kumakanta ako sa birthday party ni Tyler, tiningnan ko si Janelle baka kase naiinlove na siya sa boses ko. Baka kapag nainlove siya sa'kin ay habol-habulin niya na ako, at baka mag away pa sila ng best friend niyang si Kelly.

"Anong pinag awayan niyo?" tanong ni Janelle.

Anak ng!

"Wala ka na dun." inirapan ko nalang siya. Kung alam mo lang, dahil sayo kaya ako nakipagsuntukan sa lalakeng yun. Hindi mo nahalata na binabastos ka na, nag e-enjoy ka pa. Tss.

"Hi Miss!" May bumati naman sakanya at nakipagkilala na kay Janelle. Tsk, gusto daw maging kaibigan si Janelle.

Bro, style mo bulok.

Heto namang si Janelle, mukhang kinikilig pa dun sa Jarred. Padabog naman akong napatayo, kaya nagulat sila Kelly sa inasal ko. Nagpaalam na ako dahil di ko na masikmura ang harutan nila nung Jarred.

Tsk! nakakabadtrip.

Teka, ba't ako nababadtrip?

Habang nagpapractice kami ng basketball, nakita ko naman na pinapanood ako ni Kelly sa may bleachers, kasama niya si Janelle na humihiyaw kay Jarred atsaka kay Tyler.

Pwes, ipapakita ko sayo kung gaano ako kagaling magpashoot kaysa sa dalawang lalakeng chini-cheer mo.

3 points.

Taas noo ko namang nilingon ang gawi nila Janelle.

Nang si Jarred naman ang naka 3 points, tiningnan ko naman siya ng masama dahil sa tili niya kay Jarred na makabasag salamin. Tsk nakakarindi.

Kung Tayo Man (Completed)Where stories live. Discover now