Kabanata 17

359 27 5
                                    


Pagpasok ko ng bahay ay naabutan ko si Mama na nagluluto ng hapunan. Nagbeso naman ako sa kanya at natakam ako sa niluluto niyang pork adobo. Madalas niyang niluluto 'yan dahil paboritong-paborito ng Papa ko.

"Kumain na tayo." aniya at mabilis naman akong nagpalit ng damit sa kwarto.

Nagpaalam naman ako sa kanya na manonood ako ng concert sa may bar at pumayag naman siya.

"Kasama mo ba ang manliligaw mo?" tanong niya habang kumakain kami at tumango naman ako.

"Pahirapan mo siya ah!" sabi niya. 'Yan na naman tayo sa paalala niya na magpaka-hard to get daw ako sa suitor ko.

"Nasa dugo natin ang magpaka-hard to get." dagdag niyang sinabi.

Taray, di naman ako maganda para magpaka-hard to get.

"Sige Ma,maliligo na ako." sabi ko sakanya nang matapos na akong kumain. nagtext naman ako kay Tyler na pinayagan ako.

**

Nakabihis na ako ngayon na simpleng blue dress. Naglipstick ako ng light lang at nagpusod ako ng mahaba kong buhok na medyo kulot. nagtext naman sa'kin si Tyler na on the way na daw siya para sunduin ako.

"Bye Ma!" paalam ko sabay beso nang marinig ko na ang beep ng kotse sa labas.

"Hindi mo ba ako ipapakilala sa manliligaw mo?" taas kilay niyang tanong.

"Ah s-sige." tugon ko at hinila ko na siya sa labas ng bahay. Naaninag ko naman si Tyler na nakasandal sa kanyang kotse. Nakasuot siya ng checkered polo partnered with jeans and sneaker shoes.

"Tyler!" bungad ko. Bahagya pang nanlaki ang mga mata niya nang makita niya si Mama na kasama ko.

"Hello po, good evening!" nakangiting bati niya kay Mama at nginitian siya nito pabalik.

"Oh sige mag iingat kayo." sabi ni mama.

"Parang strikta ang Mama mo ah." ani Tyler nang makaalis na kami.

"Hindi naman! Mukha lang talaga siyang strict pero kapag nakilala mo na siya ng lubos ay napaka-bubbly niya ng kausap" sabi ko.

Ilang minuto ay narating na namin ang malaking bar dito sa East avenue. Pumasok na kami sabay bigay ng ticket ni Tyler sa guard.

Marami-rami na ang tao sa pagpasok namin. Karamihan ay mga couples. Nakakahilo ang mga nagsasayawang neon lights at ang dibdib ko naman ay kamakabog dahil sa malakas na tugtog ng RnB music. Hinawakan naman ang kamay ko ni Tyler at dumiretso kami sa may bar counter. umorder naman si Tyler ng wine na para sa kanya at champagne na para sa akin.

"Cheers!" sambit namin at sabay naming nilagok ang inumin.

"Hey!" napapitlag ako nang biglang sumulpot si Ethan. Para naman 'tong kabute.

"Bro, what are you doing here?" tanong ni Tyler.

"Hmm... manonood ng concert." tugon ni Ethan.

"Where's kelly?" tanong ni Tyler. 'Yun din sana ang itatanong ko.

"Di ko na siya niyaya dahil...dahil nahiya ako." ani Ethan.

"Sus, ikaw talaga napakatorpe mo, wala sa lahi natin yan." singhal ni Tyler.

"Oh Janelle, nandito ka pala." baling sa'kin ni Ethan. Inirapan ko naman siya.

Ay hindi, picture ko lang 'to tsk!

"We're Dating" sagot ni Tyler.

"Sana all.." sabi ni Ethan.

Maya-maya lang ay may nagsalita na sa stage. Nag dim ang lights at sa stage natuon ang spotlight.

Kung Tayo Man (Completed)Where stories live. Discover now