Kabanata 22

344 19 3
                                    

Lumipas ang mahigit isang linggo na hindi kami nagpapansinan ni Kelly. Minsan nagkakasalubong kami at tinatawag ko siya pero dinedeadma niya lang ako. Parang hangin na lang ako na hindi niya napapansin.

Si Ethan naman ay iniiwasan ko. Dinedeadma ko siya sa tuwing kinakausap ako. Tinitext niya ako na kung pwede kaming mag usap pero di ko siya nire-replayan.

Kasalanan niya naman eh, kaya kami nagkatampuhan ni Kelly dahil sa kanya. Palabas na ako ng school na umuulan. Wala akong dalang payong kaya nagmadali na lang akong lumabas. Nagulat ako nang hindi na ako nababasa ng ulan dahil may nakasukob na payong sa'kin.

"Magkakasakit ka niyan." ani Ethan.

Inirapan ko nalang siya at hinayaan na sukoban ako ng payong niya habang naghihintay ng taxi.

"Hatid na kita." anyaya niya at umiling naman ako.

"Ang sungit mo naman." aniya.

May napadaan naman na sasakyan. Muntikan na akong matalsikan ng maduming tubig na naipon sa isang puddle sa kalsada pero humarap si Ethan sa'kin upang isangga ako at saluhin niya ang maduming tubig. Kaya yung puting polo niya ay nadumihan na.

"Ba't mo yun ginawa? Nadumihan ka tuloy." sabi ko habang umiiwas ng tingin sa kanya. Nasa harapan ko pa siya at wala yatang balak umalis.

"Uy, alis na dyan!" sita ko at tumabi naman siya sa'kin.

"ayaw ko kaseng mabasa ang baby ko." sagot niya.

Kumalabog naman ang puso ko sa sinabi niya.

"Baby?" kunot noo kong tanong.

"Ayaw mo bang tawaging Baby?" tanong niya.

"Kung tayo Man." sagot ko. Dahil kung kami man ay hahayaan ko siyang tawagin akong baby.

"Sana." tugon niya.

Naisip ko naman yung pangaasar niya sa'kin dati dito sa labas ng school.

'Yucks...hinding-hindi ako magkakagusto sayo, ang kapal mo Ew!'

Tapos ngayon, heto siya at inamin na may gusto siya sa'kin.

"Janelle!"

Napalingon ako sa tumawag sa'kin. Nakapayong si Tyler at papunta na samin.

"Hatid na kita." aniya. Sandaling nagpabalik-balik siya ng tingin saming dalawa ni Ethan. Syempre, iniisip niya kung bakit kami magkasama.

"No thanks, may taxi na oh!" sabi ko. Pumara ako at agad na sumakay.

"Thank you Ethan sa payong." sabi ko sa kanya. Tumango naman siya.

**

Kinaumagahan, Recess time pero imbis na nasa cafeteria ako ay nandito ako sa gilid ng soccer field sa ilalim ng puno nakaupo. Nag aaral at nagmumuni-muni. Naisip ko, Kailan kaya kami magbabati ni kelly?

Napabuntong hininga na lamang ako sa aking naisip, at nagbasa nalang ng libro sa economics.

"Ang sipag ah!" Nagulat ako sa biglaang pagsulpot ni Ethan sa harap ko. Tumabi siya sa'kin at umusog naman ako dahil nagkadikit ang mga braso namin.

Tsk! Umiiwas na nga ako sakanya lalo tuloy siyang lumalapit.

"Umalis ka nga, nag aaral ako eh." sita ko.

"Di ka ba nagugutom? Heto oh para sa'yo." abot niyang burger. Naamoy ko naman ang mabangong cheese burger.

"Sige na, sayang nito kung itatapon ko lang." pamimilit niya.

Kung Tayo Man (Completed)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt