Kabanata 36

284 11 5
                                    


Nagdaan ang mga araw na naging abala ako sa final exam ng first semester. Good thing is naipasa ko naman lahat. Hindi ako ginulo ni Ethan buong linggo. Buti naman dahil magiging sagabal lang siya sa pag aaral ko kung lagi ko siyang iisipin.

Nang uwian na ng hapon, nakita ko si Ethan sa may parking lot. Nakasandal siya sa kanyang kotse. Ngumiti siya sa'kin na halata namang pilit. Agad siyang lumapit sa akin. Inirapan ko siya at nagpatuloy sa paglalakad.

"Janelle, kumusta ang exam?" tanong niya nang harangan niya ako.

Bumuntong hininga nalang ako at di siya sinagot.

Inirapan ko ulit siya at nilagpasan.

"Janelle, wait!" pigil niya.

"Ano ba!" asik ko.

"Wala na ba talaga?" malungkot na tanong niya.

"Wala!" mariin kong sagot. "Ethan, iba nalang ang landiin mo wag ako." irap ko sabay nilagpasan siya.

Hinarang niya ako ulit.

"Yan ba talaga ang tingin mo sa'kin, malandi?" tanong niya at tumango naman ako.

"Oo, malandi ka naman talaga diba?" sagot ko. "Nakakadiri ka!"

"Alam mo, nasasaktan na ako sa mga sinasabi mo." aniya. Nakita ko ang pamumuo ng mga luha niya sa kanyang mata.

"Hindi na kita mahal!" hindi ko na nakilala ang boses ko. Nakita ko naman ang pag igting ng panga niya.

"May iba na akong mahal." pagsisinungaling ko. Tumalikod na ako sa kanya. Nangilid ang mga luha sa mata ko. Tumingala ako para pigilan ang pagtulo nito. Galit parin ako. Parang dinudurog ang puso ko sa sakit sa tuwing naaalala ang larawan nilang dalawa sa kama.

"Okay, di na kita guguluhin pa. Sana masaya ka sa bago mong mahal." rinig kong sabi niya.

Pumara na ako ng taxi. At di ko na napigilang mapaiyak ng tahimik nang makasakay na.

'Janelle, lasing na lasing si Ethan, ayaw pang umuwi dito sa bar.'

Napasinghap nalang ako sa text sa'kin ni Tyler. Di ko siya nireplayan at nanood nalang ng TV dito sa kwarto ko.

'Janelle naman, he look so wasted. ikaw lang ang makakapagpauwi sa kanya.' Text ulit ni Tyler.

Haist! Bahala siya sa buhay niya.

Makalipas ang ilang minuto, napitlag ako sa doorbell sa labas. Malabo naman kung si Mama yun dahil may duplicate siyang susi. Bumaba ako at tinanaw kung sino ang nasa labas.

"Janelle!"

Kumirot bigla ang puso ko nang makita kong sino ito.

"Umuwi ka na!" bungad ko. Amoy na amoy ko ang alak sa kanya.

"Janelle, hindi ko kaya.. comeback to me please!" pagmamakaawa niya.

"Hindi na kita mahal." nabasag ang boses ko.

"Alam ko mahal mo parin ako." aniya.

"Hindi na kita mahal tandaan mo yan!" mariin kong sinabi.

Nakita ko ang pag igting ng panga niya sa sinabi ko at bigla nalang tumulo ang mga luha sa kanyang mga mata.

Unti-unti naman siyang tumango at tinalikuran na ako. Sumakay na siya ng kotse niya at pinaharurot na ito.

Parang may bukol sa lalamunan ko.

Ito na naman ang nagbabadyang luha sa mata ko.

Ayoko na. Sobra na akong nasasaktan. Gusto ko na siyang kalimutan. Gusto ko na siyang burahin sa isip ko.

Semestral break na at naisipan kong magbakasyon sa relatives ko sa Camsur. Pumayag naman si Mama. Mga tatlong linggo ako doon.

"Janelle! apo." salubong sa akin ng lola ko. Niyakap ko siya. Sinalubong narin ako ng mga pinsan kong mga bata pa.

Kahit papaano nag enjoy ako sa pagbabakasyon ko sa probinsya ng tatlong linggo. At ngayon pabalik na ako ng Maynila sakay ng bus. Magpapa-enroll na ako para sa second semester.

"So ano, kamusta na kayo ni Ethan?" tanong sa'kin ni Kelly pagkatapos kong magpaenroll. Hindi ko pa pala sa kanya nakikwento.

"Wala na kami." sagot ko. Pinakita ko sa kanya na okay lang ako, na wala lang sa'kin yun. At ayun gulat na gulat siya.

"Akala ko pa naman kayo na ang forevs tss!" sambit niya sabay sipsip ng softdrink.

Pero inaamin ko, nasasaktan parin ako. Mabigat parin ang pakiramdam ko sa tuwing naaalala siya.

Haaay! sana humupa na ang galit na nararamdaman ko.

Hindi ko siya nakitang umaaligid sa unang araw ng pasukan. Medyo nasanay na kase ako sa presensya niya at ngayon nakakapanibago lang dahil di ko na siya nadadatnan.

Lumipas ang ilang linggo na never kong nakita ang pagmumukha niya maski anino nya hindi ko nakita. Iniwasan niya na talaga ako, good for him dahil itataboy ko lang naman siya kung sakaling harapin niya ako, o kaya naman ay nagtransfer na siya ng ibang school.

Parang biglang may kumurot sa puso ko sa aking naiisip.

No! kung sakaling sumuko na talaga siya sa'kin dapat ay matanggap ko yon dahil ako ang nagtaboy sa kanya.

Oo, tama! tanggap na tanggap ko na sumuko na siya. Nakapag move on na ako.

"Are you okay?" tanong sa'kin ni Calvin. Nandito kami sa bench nakaupo.

"Ah-eh oo naman." sagot ko.

"Tulala ka kase." puna niya.

"Ah iniisip ko lang yung ano hmm lesson kanina." sambit ko.

Tumango naman siya.

Naging mabuting kaibigan ko si Calvin. Halos kami ang magkasama sa klase. Pati sa activities siya ang lagi kong partner. Nagulat na lang ako nung isang araw na nakapag open up siya sa'kin. May naging girlfriend pala siya, naghiwalay sila dahil nag migrate na ito sa Taiwan. Labis ang kanyang kalungkutan sa paghihiwalay nila, kaya inamin niyang di pa siya nakaka move on.

Parang wala akong mai-aadvice sa kanya.

Isang araw nagkita kami ni Tyler sa isang coffee shop kasama ang mga barkada niyang si Gino at Paulo. Kinabahan pa ako nung pumasok sila na baka kasama nila si Ethan.

Thanks God wala.

Ba't kase nandito sila? Ang dami-daming coffeeshop dito pa talaga.

"Hi musta?" nakangiting bati sa'kin ni Tyler. Ngumiti ako ng konti sa kanya. Umupo siya sa harap ko. Sa kabila naman ay sila Gino.

"Heto, aral ng aral." sambit ko sabay simsim ng kape.

"Ang sipag huh!" aniya.

"Lalo kang gumanda ngayon." sambit pa niya.

Nambola pa.

"Ano na kayang balita doon sa ex mo?" tanong niya na ikinabilis na kalabog ng puso ko.

Balita?

"B-bakit asan siya?" hindi ko na napigilang tanungin siya.

"Sa Canada, doon na nag aaral." sagot niya.

Tila may kumurot sa puso ko.

And so, kung doon na siya nag aaral. I don't care.

"Hayop na yun! di manlang nagpaalam sa ex niya." ngiti niya.

"No need." sagot ko at sumimsim ng kape na kanina ko pa pala naubos.

"I need to go na, sige bye." sabi ko at tumayo na.

"Geh, ingat." aniya.

Nagpaalam narin ako kila Gino.

Sa pagsakay ko ng taxi, hindi ko alam ang nararamdaman ko. May parte sa puso ko na nasasaktan.



To be continued....

Kung Tayo Man (Completed)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt