Kabanata 19

321 21 2
                                    


Nagulat nalang ako nang biglang pinunasan ni Tyler ang gilid ng labi ko gamit ang kanyang panyo. Nginitian niya ako at pinisil ang ilong ko.

"Aray! Ano ba!" angil ko.

"Ang cute mo kase eh!" ngiting sabi ni Tyler.

"Ayiieh! ang sweet niyo." kilig na sabi ni Kelly.

"Tsk!" singhal ni Ethan sabay irap.

"Ahh!" ani Tyler na pinapakagat niya sa'kin ang hawak niyang burger.

"Ayoko niyan." sabi ko.

"Diba favorite mo 'to? isang kagat lang, sige na." pamimilit ni Tyler.

"Wag ng pakipot bes!" ani Kelly. Nang dahil sa hindi ako titigilan ni Tyler nito ay agad naman akong kumagat sa burger niya.

"Good girl." ani Tyler.

"Good girl ka dyan!" sabi ko habang ngumunguya. Nahuli ko naman ang pag irap sa'kin ni Ethan.

"Tsk corny mo Bro!" singhal ni Ethan.

"Inggit ka lang, Haha!" tawa ni Tyler.

"Sagutin mo na kase siya Kelly para di na siya bitter samin ni Janelle." sabi ni Tyler kay Kelly pero nginiwian lang siya nito.

"Di pa naman kayo ah!" sabi ni Ethan. Kaya naman napalunok ako.

"Malapit na." tugon ni Tyler sabay tingin sa'kin at kumindat.

"Sasagutin mo ba siya Janelle?" tanong ni Ethan. Nilunok ko muna ang kinakain ko. Hindi ako sigurado kung gusto ba talaga ako nitong Tyler na 'to.

"Hmm... depends" kibit balikat ko.

"Ouch! Haha!" panunuya ni Ethan.

"Study first muna kase kami." singit ni Kelly.

Tumango naman ako."Oo tama."



Kinahapunan, parang pagod na pagod ang katawan ko eh kase naman nagsimula na kaming gumawa ng thesis.

"Kyaaaah! Ethan! ang galing mo talaga!" hiyaw ng mga babae matapos maisentro ni ethan ang arrow sa dart.

Nandito kami ngayon ni Kelly sa soccer field at pinapanood ang pagpractice ni Ethan ng archery. Next week na pala mag uumpisa ang tournament.

Sumubok ulit ng isa pa si Ethan, at walang kahirap-hirap na naisentro niya ulit sa bulls-eye. Lumingon siya sa gawi namin, at saka kumindat. Nginitian lang siya ni Kelly at nag thumb's up.

"Ayiiieh! ang swerte naman niya!" kinikilig na sabi ng mga babae sa paligid. Hindi ko maiwasang alalahanin ang pag amin ni Ethan na may gusto siya sa'kin.

Haaay! Hirap kase paniwalaan.


Nung uwian na ay hinatid ako ni Tyler sa bahay. Ayaw ko sana magpahatid kaso pinilit niya ako. Hindi ko maiwasang mapaisip na ginagawa niya lang 'to dahil ako ang nagiging panakip butas sa relasyon nila ng ex niya. Nakatanggap naman ako ngayong gabi ng text message sa isang unknown number.

'Hi Janelle! hintay kita dito sa J-street - Ethan'




Nanlaki ang mga mata ko. Paano niya nakuha ang phone number ko? Agad ko naman siyang nireplayan.

'Nandyan ka?'

'Oo, hinihintay ka'
Agad niyang reply.

What the! sigurado ba siyang pupunta ako?

'Hindi ako pupunta' reply ko.

'Maghihintay parin ako hanggang alas-dose'- reply niya.

Kung Tayo Man (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon