Kabanata 26

277 15 2
                                    

Nakauwi na pala siya ng Piipinas ah.

Bakit dito siya nag aaral? Sa dinami-daming university dito sa Pilipinas bakit dito pa? Diba dapat dun siya sa La Salle dahil doon ang mga kaibigan niya at si Tyler.

Nakakainis talaga!

Parang naninikip ang dibdib ko. Balisa tuloy ako buong maghapon.

Habang palabas na ako ng school ay palinga-linga ako baka sakaling makita siya. Ano nga palang course ang kinuha niya?

Hanggang sa nakalabas na ako ng school ground na hindi siya nakikita.

**

"What? Nakita mo si Ethan? Saan?" takang tanong ni Kelly. Nandito kami ngayon sa mall na bumibili ng project.

"Sa school."

"Si Tyler, di mo ba namimiss?" tanong niya.

"Hindi!" iling ko.

"Bitter! Haha!" aniya.

Nakakainis naman 'tong si Kelly, akala niya yata may gusto pa ako kay Tyler.

"Ikaw, si Gino di mo ba namimiss?" pag iiba ko ng usapan.

"Syempre, namimiss." sagot niya sabay buntong-hininga.


Kinaumagahan, Maaga akong gumayak dahil maaga ang first subject namin na NSTP. HIndi pa kami nag u-uniform kaya ang suot ko ngayon ay simple lang, t-shirt at pants.

Habang nag aayos ako, napadako ang mga mata ko sa bracelet na niregalo sa'kin ni Ethan nung birthday ko. Nakasabit lang ito sa may tukador.

Nang matapos ang dalawang subjects ko ay tumambay muna ako sa gilid ng open field. Umupo ako sa bench at palinga-linga.

Hay..so boring wala pa akong kaibigan. Pinasadahan ko ng tingin ang paligid baka makita ko si Ethan. Medyo nililipad pa ang buhok ng hangin.

"Sinong hinahanap mo?"

Napapitlag ako sa tinig ng isang lalake sa likod ko.

Pagharap ko ay napanganga ako nalang ako.

"Hi Janelle!" nakangiting bati ni Ethan.

"Uhm.. Hi!" bati ko rin.

Tumayo ako at pilit na ngumiti sa kanya. Heto na naman ang kalabog ng puso ko na gustong lumabas sa dibdib ko.

"How are you?" tanong niya.

"Ah eh h-heto maganda parin." pilit na ngiting sagot ko.

Tumango naman siya.

"I-Ikaw, kumusta?" tanong ko.

"Heto, still sexy and handsome." sagot niya.

Wew.

Tumango-tango ako kunwari. Parang ang awkward ng atmosphere, hindi ako makahinga dahil sa kabog ng dibdib ko. Pinilit ko naman maging kalmado.

"Dito ka pala nag aaral." sambit ko.

Tumango naman siya.

"Diba sa La salle nag aaral sila Tyler?"

"Ethan!" Napalingon ako sa tumawag kay Ethan. Yun 'yung babaeng kasama niya kahapon.

"Ah, Janelle, si Keanna childhood friend ko." pakilala ni Ethan sa kaibigan niy--

What? Kaibigan?

"And Keanna, si Janelle, ka batch ko nung highschool." ani Ethan.

Wow! Ka batch, pwede naman sabihin niyang crush ko nung highschool diba?'

"Hi! Nice to meet you!" nakangiting bati ni Keanna. Tinanggap ko naman ang nakalahad niyang kamay.

"Nice to meet you too." nakangiting sagot ko.

"Ethan, late na tayo." baling nito kay Ethan.

"Bye Janelle, see you again." paalam ni Ethan at hinigit na siya ni Keanna. Touchy naman ng babaeng 'to, kung makahawak sa braso ni Ethan, tsk!

Sinulyapan pa ako ng konti ni Ethan at sumama narin siya sa friend niya.

Eh ano naman kung friend niya, diyan kaya nagsisimula yan. Bumalik na naman sa dati ang lungkot na nararamdaman ko.

**

Dumiretso na ako sa next subject ko na human behavior, konti palang ang estudyante. Umupo ako sa gilid at may tumabi naman sa'kin na lalake. Singkit ang kanyang mga mata at halos nakapikit na siya kung ngumiti.

"Hi!" nakangiting bati niya.

"uhm Hi!" bati ko rin.

"I'm Calvin!" pakilala niya sabay lahad ng kamay niya.

"Janelle." pakilala ko rin at tinanggap ang nakalahad niyang kamay.

"Can we be friends?" tanong niya. Ang friendly niya naman.

"Oo naman." sagot ko sa kanya.

Hindi ko ito inaasahan ah! na lalake ang unang magiging kaibigan ko dito sa college.

Nang matapos ang isang oras naming klase ay parang excited na akong lumabas ngunit hindi ko naman si Ethan nakita. Di ko pala natanong kung ano ang course niya.

Lumabas ako para mananghalian, at kumain sa Mcdo malapit lang sa dito sa school.

Habang kumakain ako ng fries ay nahagip ng aking mga mata ang kanina ko pa hinahanap.

What a small world nga naman.

Parang nanlumo naman ako. May ganyan bang friends na parang sweet sa isa't-isa. Nakakapit si Keanna sa braso ni Ethan.

Dumiretso sila sa counter para umorder.

Heto na naman ang puso ko na naninikip. hindi na tuloy ako ginanahan kumain. Parang matabang na tuloy ang kinakain kong fried chicken.

Nang maka-order na sila ay dumiretso na sila malapit lang sa pwesto ko. Mga tatlong mesa ang pagitan namin.

Nagtatawan sila at nagsusubuan ng fries.

Wala bang kamay yung Keanna kase nagpapasubo pa siya ng fries? Tsk! Bigla akong napaiwas ng tingin nang lumingon sa'kin si Ethan habang tumatawa. Nakilala niya na ako panigurado.

Uminom ako kunware ng coke. Kita ko sa gilid ng aking mga mata na hindi na siya nakatingin sa'kin.

"Janelle!" napatingala ako sa tumawag sa'kin. Si singkit.

"Ah, Caleb ah este ah ano ngang pangalan mo ulit?" tanong ko habang nagkakamot sa ulo. Nakalimutan ko tuloy pangalan niya.

Ah naalala ko na.

"Naalala ko na, Calvin, s-sige maupo ka." sabi ko sa kanya. Umupo siya sa harap ko at inilapag niya naman ang tray na may pagkain.

"Dito ka kumakain?" tanong ko. Ang obvious naman yata ng tanong ko.

Tumawa siya at tumango.

Palangiti niya naman.

"Sayo na 'to." bigay niya sa'kin na large fries. Ubos na kase ang fries na kinakain ko.

"Ah wag na, busog na ako." tanggi ko.

"Anong busog? mukha ka ngang gutom dahil ang payat-payat mo, Haha!" pagbibiro niya.

Ang dali naman maka-close ang taong 'to.

Napasulyap ako ng konti kay Ethan at yun nahuli ko siyang nakatingin samin pero agad naman siyang umiwas ng tingin.

"Can I have your number?" tanong ni Calvin nang matapos na siyang kumain. Ang bilis niya namang kumain.

"Sure!" tugon ko at tinype ko na sa cellphone niya ang number ko. Richkid, iPhone ang gamit. Binalik ko na sa kanya ang phone niya.

"Thanks, Jenjen!" aniya.

Jenjen?

"From now on tawag ko narin sayo, Calcal, Haha!" sabi ko.

Muli akong napasulyap kay Ethan, at ikinagulat ko na matalim ang tingin niya sa'kin. at inirapan niya ako pagkatapos.

Hala, galit?


To be continued....

Kung Tayo Man (Completed)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora